Karla Estrada confirms son Daniel Padilla will endorse presidential and senatorial candidates in 2016

Karla Estrada admits getting offers to run for a government post: "Actually, hindi lang last year o this year may offer, by the time na nag-boom si Daniel [Padilla, anak niya], marami ang umaawit. Pero agad kong sinabing ayoko."


Maraming mga celebrity ang nag-file na ng certificate of candidacy (COC) sa COMELEC ngayong linggo para sa nakatakda nilang pagtakbo sa 2016 elections.

Ang Kapamilya actress-singer na si Karla Estrada ay nagpunta rin sa Comelec noong Oktubre 14.

Pero hindi para mag-file ng kanyang kandidatura kundi para samahan at suportahan ang kaibigan niyang si Tates Gana sa pagpa-file nito ng COC sa pagtakbo nito bilang councilor ng Quezon City.

Si Tates ang ina ng dalawang anak ni Mayor Herbert Bautista.

Wala raw namang balak tumakbo sa eleksiyon si Karla.

Aniy, “Papaano ko siya [Tates] matutulungan ng 100 percent kung aasikasuhin ko pa yung akin [kandidatura]?”

Pero aminado si Karla na maraming mga pulitiko at partido ang humihikayat sa kanya para pasukin ang mundo ng pulitika. Ngunit tinanggihan niya raw ang mga ito.

“Actually, hindi lang last year o this year may offer, by the time na nag-boom si Daniel [Padilla, anak niya], marami ang umaawit.

“Pero agad kong sinabing ayoko.

“Sabi ko, mas gusto kong maasikaso yung mga anak ko.”

Sa anong posisyon naman siya gustong patakbuhin?

Ayon kay Karla, “May mayor, may congressman, mas maraming offer sa congress.

“Hanggang nitong nakaraang linggo, may nag-offer na dalawang party list.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa block screening ng pelikulang Etiquette For Mistresses na inisponsoran niya at ng DJP Productions ni Daniel, na ginanap noong Oktubre 14 sa Podium Cinema.

Dito tumuloy si Karla pagkatapos niyang samahan si Tates sa Comelec.

Ang block screening ay para sa mga fans ni Daniel, gayundin bilang suporta at pasasalamat nina Karla at Daniel sa kaibigan nilang si Kris Aquino, na isa sa mga bida ng pelikula kasama sina Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado, at Cheena Crab.

Marami na raw kasing naitulong si Kris sa kanilang mag-ina kaya ito na lang ang naisip nilang bahagi ng kanilang pasasalamat sa Queen of All Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DANIEL WILL ENDORSE POLITICIANS. Samantala, inihayag din ni Karla na marami ang kumukuha kay Daniel para mag-endorso ng kandidato.

“Oo, mayroong mga lumalapit. Pero hindi pa kami decided kung sino.”

Kahit na hindi pa sila decided, pero sigurado na ba na mag-eendorso si Daniel ng kandidato?

“Oo, mayroon siyang ieendorso, president, at saka senator, isa,” banggit ni Karla.

Sa ngayon, habang wala pang kampanya para sa eleksyon, naka-focus muna silang mag-ina sa kanilang showbiz career.

Napapanood si Karla bilang isa sa celebrity players ng game show ng ABS-CBN, ang Celebrity Playtime.

Ang anak naman niyang si Daniel at ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo ang mga bida ng toprating Kapamilya primetime teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN