Vilma Santos, Herbert Bautista, Isko Moreno file COCs for 2016 elections

Batangas Governor Vilma Santos, Mayor Herbert Bautista, and Manila Vice Mayor Isko Moreno file their certificate of candidacies this Friday, October 16.


Naghain na si Batangas Governor Vilma Santos ng kanyang kandidatura bilang kongresista sa Lipa, Batangas, ngayong Biyernes, October 16.

Batangas Gov. @vsantosrecto, naghain ng COC sa pagka-kongresista sa Lipa. | via Marlon Luistro, @gmanews stringer

— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 16, 2015

Tulad ng kanyang mister na si Senator Ralph Recto, kabilang si Governor Vi sa Liberal Party na pinangungunahan ng standard bearer na sina dating Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Camarines Sur Representative Leni Robredo.

Matatandaang isa si Governor Vi sa mga napabalitang hinihimok ng naturang partido na maging running mate ni Roxas para sa 2016 elections.

Ngunit makailang-beses ding nilinaw ng gobernadora na wala sa plano niya ang kumandidato bilang bise presidente.

Ito ay sa kadahilanang nais niyang bigyan ng pokus ang pamumuno sa lalawigan ng Batangas.

Sa kabilang banda, kasado na rin ang kandidatura ni reelectionist Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Matatandaang pormal na inanunsiyo ni Herbert ang kanyang pag-atras sa pagkandidato bilang senador noong Biyernes, October 9.

Sa ngayon, ikalawang termino na ni Herbert bilang alkalde ng Quezon City.

Quezon City Mayor Herbert Bautista files his certificate of candidacy for re-election at the QC Comelec office this morning.

Posted by Mayor Herbert M. Bautista - Quezon City on Thursday, October 15, 2015

Buo naman ang loob ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na kumandidato para sa pagka-senador sa 2016 elections.

Naghain si Vice Mayor Isko ng kanyang certificate of candidacy ngayong Biyernes.

Kapansin-pansing nakasuot ng polo shirt na kulay puti ang bise-alkalde bilang tanda ng kanyang pagsuporta sa tambalan nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero para sa 2016 elections.

Manila Vice Mayor @iskomoreno, sumabak na rin sa senatorial race. | via @nimfaravelo pic.twitter.com/bmGKda6vdj

— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 16, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN