Heart Evangelista assures relationship with Sen. Miriam Defensor-Santiago is beyond politics

"My relationship with Tita Miriam is beyond all of "This" she will always be my second mom :)," says Heart Evangelista about her relationship with presidential candidate Senator Miriam Defensor-Santiago.


Tiniyak ni Heart Evangelista na hindi magbabago ang relasyon nila ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa kabila ng pagkandidato ng huli bilang presidente sa 2016 elections.

Kilala kasing malapit sa senadora si Heart ang mister nitong si Senator Chiz Escudero, na tatakbo namang vice president sa susunod na ekelsyon.

Magkaiba ng partido sina Senator Miriam at Senator Chiz.

Ang running mate ni Senator Miriam ay si Senator Bongbong Marcos, habang ang tatakbo namang presidente katuwang si Senator Chiz ay si Senator Grace Poe.

Sa isang Instagram post ng Kapuso actress, isang follower niya ang nagtanong tungkol sa kandidatong susuportahan niya sa pagka-presidentee sa 2016 elections.

Sabi ng IG follower ni Heart: “Pano si si fairy godmother/ninang Miriam defensor Santiago? Huhu i thought you wont take sides on the presidential candidates ?¬ワフ"

Sagot naman ng Beautiful Strangers actress, “I stand by my husband:) my relationship with Tita Miriam is beyond all of "This" she will will always be my second mom:)”

Matatandaang si Senator Miriam ang naging tulay para magkakilala sina Heart at Chiz.

Ang pagpapakilalang ito ay nauwi sa seryosong relasyon hanggang magpakasal ang dalawa noong February 15, 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN