Maja Salvador refuses to reveal identity of her current textmate; denies it's Piolo Pascual

Maja Salvador on why she requested Piolo Pascual to guest on her concert: “Kasi parang pa-thirteen years na ako sa showbiz, pero simula noong mag-umpisa ako, parang walang pagbabago sa kanya. Iba kasi si Papa P pag kumakanta, lalo na pag kumakanta siya, tinititigan ka niya sa mata, parang ang ganda-ganda mo, parang ganun. So, siyempre para mas ma-inspire naman ako, kailangan ko si Papa P.”


Naintriga ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa katauhan ng “textmate” ngayon ni Maja Salvador.

Mismong ang Kapamilya actress ang nagbunyag tungkol dito sa presscon ng major concert niya na ginanap noong Oktubre 15 sa 9501 restaurant, sa loob ng ABS-CBN compound.

MAJAsty ang titulo ng concert niya na produced by JMA (Jerica M. Aguilar) Events Management at Pink Management and Productions Inc. Gaganapin ito sa Nobyembre 13 sa Mall of Asia Arena.

Sa presscon kasi ay natanong si Maja kung ano pa ba ang kulang sa buhay niya ngayon.

Tugon niya, “Pag-ibig. Totoo naman.

“Pero masayang-masaya naman po ako kahit wala iyon.

“Ka-text, puwede naman e.”

Dahil nga rito ay inusisa na siya ng mga press tungkol sa katauhan ng kanyang “ka-text.”

Pero ayaw namang magbigay ng clue ni Maja kung taga-showbiz ba o non-showbiz ang ka-text niyang ito.

Ang tanging nasabi niyang clue ay: “Lalaki siya.”

Pagkatapos ng presscon proper ay muling natanong ng PEP at iba pang press si Maja tungkol sa “ka-text” niyang ito.

Pero tumanggi pa rin siyang magbigay ng detalye sa identity ng guy.

Paliwanag ni Maja, “Ayaw ko lang magdetalye o ano pa.

“Hindi naman sa madamot, pero maski ako wala pa din doon [sa lovelife ang isip ko].

“Kasi ang focus ko ngayon ay yung Ang Probinsyano, may US tour kami ni Echo [Jericho Rosales], tapos itong MAJAsty, so anong time mo talaga.”

Pero kung mauuwi ba sila sa seryosohan ng “ka-text” niya ay hindi naman niya ipagdadamot ang tungkol dito?

“Oo naman, never naman po akong nagdamot.

“Lahat naman ng lovelife ko naging honest naman ako, open naman, hindi nga lang detalyado.”



PIOLO PASCUAL. Bigla namang may nagtanong sa press kung si Piolo Pascual ba ang ka-text niya.

Inamin kasi ni Maja na special request niya si Piolo na maging guest sa kanyang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi po!” tanggi niya.

Natawa naman si Maja nang matanong kung may pagnanasa ba siya kay Piolo?

“Crush na crush ko siya. I super love Papa P.”

Paano kung manligaw si Piolo sa kanya?

“Ha? Hindi ko kaya!

“Ka-text ko lang si Papa P noong isang araw kasi nagtatanungan kami kung anong kanta ang kakantahin namin, iyon lang.

“Siya yung ka-text ko lang noong isang araw.”

E, di si Piolo nga yung sinasabi niyang “ka-text”?

“Ay, hindi.”

Bakit si Piolo na lang ang special request niya sa kanyang concert?

“Kasi parang pa-thirteen years na ako sa showbiz, pero simula noong mag-umpisa ako, parang walang pagbabago sa kanya.

“Iba kasi si Papa P pag kumakanta, lalo na pag kumakanta siya, tinititigan ka niya sa mata, parang ang ganda-ganda mo, parang ganun.

“So, siyempre para mas ma-inspire naman ako, kailangan ko si Papa P.”

“Lalandiin” niya ba si Piolo sa concert?

“A, lalandiin niya ako!” biro ni Maja.

Bukod kay Piolo, kasama rin sa guests ni Maja sa concert sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil, at may surprise guests pa raw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN