Alden Richards's second album reaches Gold on its first day of release

Alden Richards receives another Gold Record award for his second album Wish I May. The award was given to Alden after his performance in Eat Bulaga! today, October 17.


Ngayong araw, October 17, ang official release ng second album ni Alden Richards mula sa GMA Records—ang Wish I May.

Pero ginawaran na ito agad ng Gold Record award ng PARI, matapos umabot sa mahigit 7,500 units ang mga kopya ng album ni Alden na nabenta.

Bago kasi ang release ng Wish I May sa record stores ay nagkaroon na ng pre-order ng album ni Alden.

Iginawad ng PARI kay Alden at sa GMA Records ang Gold Record award para sa Wish I May sa Eat Bulaga! ngayong tanghali, kaya naman napaiyak na naman ang Pambansang Bae.

Ang Wish I May ay naglalaman ng limang kanta, kabilang na ang title track na "Wish I May", at ang versions ni Alden ng "God Gave Me You" at "Thinking Out Loud."

Ito na ang ikalawang Gold Record award ni Alden.

Noong September 25 lamang ay nakuha ni Alden ang unang Gold Record award niya para sa kanyang self-titled debut album mula sa Universal Records.

Ang Alden Richards ay noon pang 2013 ini-release ngunit nabigyan ito ng panibagong interes dahil na rin sa kasikatan ngayon ni Alden at ng AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza.

Read: Alden Richards receives Gold Record award for his debut album

Ngayong hapon ay pormal na ilulunsad ang Wish I May album ni Alden sa Cinema 11 ng SM North Edsa sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN