AlDub grand fans' day to be held on Oct. 24 at Philippine Arena; "Tamang Panahon" finally arrives for Alden and Yaya Dub

Isang malaking pagtitipon para sa AlDub Nation ang mangyayari sa Philippine Arena sa October 24, Sabado, dahil ito ang araw na itinakda ni Lola Nidora na "Tamang Panahon" para kina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza).


Sa October 24, Sabado, na ang itinakdang "Tamang Panahon."

Ito ang malaking sorpresa na tinutukoy ni Lola Nidora (Wally Bayola) para kina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza)—ang pagsasama-sama ng AlDub Nation sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ngunit maliban sa magaganap na pinakamalaking fans' day sa kasaysayan ng Pilipinas, ang pagtitipun-tipon sa susunod na Sabado ay magsisilbi ring bayanihan.

Ang lahat ng mabebentang tickets—na nagkakahalaga ng mula P150 hanggang P1,200—ay mapupunta sa "AlDub Library Project."

Ito ay ang paraan ng Eat Bulaga! at AlDub Nation upang makatulong sa pagpapagawa ng library sa maraming eskuwelahan sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Ngunit base sa impormasyong natanggap ng PEP ay halos soldout na raw ang VIP tickets ilang minuto lamang pagkatapos i-announce ang malaking pagtitipon sa Philippine Arena.

Maliban dito, ang "Tamang Panahon" ay nangangahulugan din ng pagbibigay-laya ni Lola Nidora kina Alden at Yaya Dub.

Pagkatapos daw kasi ng tatlong buwan ay napatunayan ni Lola Nidora na karapat-dapat si Alden sa pagtitiwala niya, matapos nitong malampasan lahat ng pagsubok na iniatang niya.

Kung dati raw ay naging MH o "malaking hadlang" siya sa pagmamahalan nina Alden at Yaya Dub, ngayon ay MH pa rin daw si Lola Nidora ngunit sa pagkakataong ito, ang ibig sabihin na nito ay "magandang hangarin."

Sa episode ng Kalyeserye ngayong araw ay muling nagkita sina Alden at Yaya Dub pagkatapos ng halos dalawang linggo nilang pagkakalayo.

Halatang na-miss ng dalawa ang isa't isa, at bilang regalo sa mga tagasubaybay nila ay sabay silang nag-Dubsmash ng ilang sa di malilimutang Dubsmash ni Yaya Dub.

Kabilang na rito ang Pabebe Girls na kadalasang ginagawa noon nina Yaya Dub at Lola Nidora.

Samantala, lumitaw na rin si Isadora sa episode ng Kalyserye kanina.

Si Isadora ang bunsong kapatid nina Nidora, Tidora, at Tinidora; at sinasabing tunay na ina ni Yaya dub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang gumaganap na Isadora ay si Paolo Ballesteros, na nagbalik sa Eat Bulaga! pagkatapos ng isang linggong pagkawala.

Pero sa paglitaw ni Isadora ay isa pang sikreto ang ibinunyag niya; na hindi siya ang ina ni Yaya Dub at ipinakilala niya ang sarili bilang lola nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN