Mayor Herbert Bautista's ex-partner Tates Gana files candidacy for QC councilor

Tates Gana, ex-partner of Quezon City Mayor Herbert Bautista, explains why it's only now that she's pursuing her political ambition: “Kasi ayaw ni Mayor ng dynasty, papayag lang daw siyang pumasok kaming lahat pag last term na niya.”


Tatakbong konsehal ng District 6 ng Quezon City si Tates Gana.

Si Tates ang dating partner ni Quezon City Mayor Herbert Bautista at ina ng dalawa nilang anak—sina Athena at Harvey.

Matatandaang nagkalabuan ang kanilang relasyon noong nabalitang nagkaroon ng relasyon sina Mayor Herbert at Kris Aquino noong nakaraang taon. Hindi nagtagal ay tuluyan na silang naghiwalay.

Nag-file ng kanyang Certificate Of Candidacy (COC) si Tates noong Miyerkules, October 14.

Kasama ni Tates mag-file ng candidacy ang kanyang matalik na kaibigang si Karla Estrada.

Pagkatapos nilang mag-file ay dumiretso sina Tates at Karla sa Podium, Ortigas Center, dahil may block screening ang pelikulang Etiquette for Mistresses ang DJP Productions, na pag-aari nina Karla at anak nitong si Daniel Padilla.

Sa Shi Lin restaurant sa Podium nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tates.

Wala raw artistang makakalaban si Tates sa distritong tatakbuhan niya.

Bakit ngayon lang siya tatakbo? Noon pa maraming kumukumbinsi kay Tates na pasukin na rin ang pulitika.

Rason niya, “Kasi ayaw ni Mayor [Herbert] ng dynasty.

"Papayag lang daw siyang pumasok kaming lahat pag last term na niya."

Tatakabong muli si Mayor Herbert sa kanyang ikatlo at pinakahuling termino bilang alkalde ng Quezon City sa 2016 elections, at nakapag-file na rin siya ng kanyang COC noong October 16.

“Kaya siya pumayag,” dagdag pa ni Tates.

HEALTH ADVOCACY. Desisyon daw mismo ni Tates na tumakbo bilang konsehal.

"Kasi tingin ko, mas marami akong magagawa.

“Di ba, tumutulong ako sa Child Haus? O, sarili ko lang resources yun.

“E, imagine mo kung ang resources ng government mailalagay mo lahat dun sa pagpapa-chemo, di ba?”

Ang Child Haus ay institusyon para sa mga batang may sakit na cancer.

Tulong-pangkalusugan daw ang isa sa mga nais isagawa ni Tates sa Quezon City.

Bakit konsehal? Bakit hindi vice mayor?

Sabi ni Tates, “Councilor na lang. Actually hindi ko naman hilig mamulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko ano... kasi all these time, twenty years, nasa likod lang naman ako ni Herbert, di ba?

“Siya yung nag-i-speech, siya yung kumakamay.

"Ako nagtatrabaho lahat noon. Everything... preparation, everything.”

Kaya mas gusto na niya na tumutulong lang “behind-the-scenes” at hindi pumupronta at nagpapaganda ng imahe niya.

Sabi pa niya, “Kaya ngayon ko lang gustong subukan.

“I don’t know if... sana magawa ko.

"Sana legal yung gusto kong gawin, na yung pondo ilalagay sa ganyan, di ba?”

READY FOR INTRIGUES. Noong mga panahong hindi pa nagbabalak tumakbo sa pulitika si Tates ay madalas na siyang masangkot sa mga intriga tungkol kay Mayor Herbert.

Ngayong tatakbo siya, tiyak na mas lalo siyang masasangkot sa mga intriga.

Handa naman daw siya dito kung sakali.

Natatawa niyang pahayag, “Mas handa nga ako ngayon, e. Kasi dedma na lang.

“Dedma na lang, di ba?”

Siguradong kung anu-anong issues ang lalabas tungkol sa kanya, lalo na mula sa mga kalaban niya.

“E, ganun talaga. Panindigan lang nila. Sana mapatunayan, ganun.

“Pero pag nakita na ng mga tao yung gagawin ko, I’m sure...”

CAMPAIGNING WITH HER KIDS. Hindi ba mahirap na pareho silang mangangampanya ni Herbert para sa eleksyon sa 2016?

Sabi ni Tates, “Oo. E, ano naman, very seldom naman yung ganitong gabi tapos nasa labas pa ako.

“Siyempre umuuwi ako ng six or seven kasi matutulog na sila [her kids] ng mga nine. Two hours na lang kaming magkikita.

“Usually ganun, pero siyempre minsan, hindi mo na... ngayon hindi mo na maiiwasan, may birthday kang pupuntahan, mga ganyan.

“Payag naman sila.

“Kanina nanghihinayang si Athena hindi siya makakasama [sa COC filing] kasi may school.

“Gusto ko rin makita nila, ma-appreciate nila.

“Pati yung pagtulong ko sa mga depressed area, dinadala ko sila. Oo, dinadala ko sila.”

Iba raw kasi kapag ikinukuwento lang niya sa mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para makita nila.

“Lahat ng mahirap na pinuntahan mo, walang pagkain, mga ganyan.

“Hindi nakatapos ng college, walang nagpaaral, yung mga ganun. Hindi masyadong mapi-feel yun.

“Kesa dun sa nakikita nila talaga na namumulot ng pagkain, mga ganun.”

STILL FRIENDS WITH MAYOR HERBERT. Kinumusta naman namin kay Tates ang sitwasyon sa pagitan nila ni Mayor Herbert.

Sagot niya, “Okay naman, okay naman.

"Kanina ilang beses kaming nagkukuwentuhan bago ako pumunta [sa COC filing].

"Nag-uusap kami, ano mga nangyari, ano ang balita, sino kasama ko dun, ganun."

Magkaibigan pa rin daw sila.

“Oo, maayos kami.

"Kailangan kong ipakita sa mga anak ko yung ganun, e.

"Para gumaya sila kasi nakatingin sila sa akin, e."

Ano ang tsansa na maging solido muli ang relasyon nila ni Mayor Herbert?

Sagot ni Tates, “Hindi ko lang alam. I can’t answer that dahil ako okay na ako.”

Hindi nila napag-uusapan?

“Hindi, hindi siya ganun. Tsaka wala na kaming pag-uusapan. Ako, okay na ako.”

Handa ba siyang tanggapin kung sinuman ang makakarelasyon ni Mayor Herbert?

“Oo!” mabilis niyang sagot.

Ganoon din kaya ang saloobin ng kanilang mga anak?

Aniya, “Si Athena, babae kasi. Babae, siyempre selosa sa tatay niya, ganun.”

Si Harvey?

“Lalaki yun tsaka bata pa. Hindi lang kumikibo,” pakli pa niya.

Todo naman daw ang suporta ni Mayor Herbert kay Tates sa nalalapit na eleksyon.

Wala raw manliligaw si Tates.

Sabi niya, “Ayoko na. Ang sarap na nang ganito, o!”

Paano kung may manligaw sa kanya?

“Si Eduardo Buenavista!” panghuling hirit niya.

Crush ni Tates ang aktor na si Ian Veneracion, na gumaganap bilang si Eduardo Buenavista sa Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN