Is Karla Estrada torn between friends Kris Aquino and Tates Gana?

Karla Estrada on her friends Kris Aquino and Tates Gana: "Wala naman kasi silang personal na pag-aaway. Puro lang naman yung ibang taong nakapaligid sa kanila ang mga may nasasabi. Ni hindi nga sila magkakilala pa nang personal."


Parehong matalik na kaibigan ni Karla Estrada sina Tates Gana at Kris Aquino, na parehong naugnay kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Katunayan nito, sinamahan ni Karla si Tates sa Commission on Elections noong October 14 para mag-file ng Certificate of Candidacy para sa pagtakbo bilang konsehal sa ika-anim na distrito ng Quezon City.

Pagkatapos nito ay dumiretso siya sa block screening ng Etiquette For Mistresses, ang pelikulang tinatampukan ni Kris. Ang nag-sponsor ng block screening ay si Karla mismo at ang anak niyang si Daniel Padilla.

Ipinaliwanag ni Karla kung bakit naisipan niyang magpa-block screening ng Etiquette for Mistresses.

“Si Kris, sa dami ng naitulong kay Daniel, actually sa aming mag-ina...

"Wala kasi akong paraan, e, paano ko masusuklian bukod sa pagpapasalamat ko lang lagi sa kanya.

“Hindi naman niya hiningi ito,” pahayag ni Karla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Shi Lin restaurant sa Podium ilang sandali bago ginanap ang naturang block screening.

Paano naiwasan ni Karla na “maipit” sa gitna nina Kris at Tates?

Sagot niya, “Wala naman kasi silang personal na pag-aaway.

“Puro lang naman yung ibang taong nakapaligid sa kanila ang mga may nasasabi.

“Ni hindi nga sila magkakilala pa nang personal.

“Wala silang bonding kasi.”

Wala bang plano si Karla na ipakilala sina Kris at Tates sa isa’t isa?

Saad ng ina ni Daniel, “Si Ate Tates tsaka si Kris, mas matanda sila sa akin. Mas alam nila ang gagawin nila at ginagawa nila, di ba?

“Yung sa ganun kasi, as long as wala namang sinasabing masama si Ate Tates sa akin about Kris, at si Kris wala namang sinasabing pangit about Ate Tates, okay lang ako doon.

“Kasi kung anuman ang nangyari sa kanila, kaibigan ko na silang pareho, e.

“Hindi naman itong kinaibigan ko si Kris habang nagkakagulo.”

So, hindi kikilos si Karla para mag-bond sila Tates at Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Someday, someday.

“Alam mo, hindi naman ako yung para gumawa dun.

"Kasi lalo na ngayon, medyo ano... in time."

KRIS AND TATES AS FRIENDS. Paano naiiba sina Kris at Tates sa isa’t isa?

Ayon kay Karla, “Hindi mo naman maku-compare yun. Kasi unfair naman na magsasabi ako kung ano.

"And lahat naman ng gagawin ko, sinasabi ko naman. Alam naman ni Ate Tates."

Pero mas nauna niyang naging kaibigan si Tates kaysa kay Kris.

“Oo naman, pero wala pa naman kasi silang isyu noon,” sabi ni Karla.

Anong klaseng kaibigan si Tates?

“Well, si Ate Tates is a giving, understanding, sobrang loving friend. Matulungin ‘yan.”

Paano naman si Kris bilang kaibigan?

“Si Kris is very generous also na kaibigan.”

DJP PRODUCTIONS. Ang block screening ng Etiquette For Mistresses ang unang project ng DJP Productions na pag-aari nina Karla at Daniel.

Malamang isunod nila rito ang pelikula ni Daniel at ka-love team nitong si Kathryn Bernardo sa 2016.

“Co-prod-co-prod tayo,” sabi ni Karla.

Ang ibig sabihin nito ay makikipag-partner ang kanyang kumpanya sa isang film outfit para magawa ang pelikula.

Papayag ba si Karla na isadula ang makulay niyang buhay sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya?

“Puwede. Ako mag-e-edit! Puwede, ako magsusulat!” natatawang sabi niya.

Sino ang gusto niyang gumanap na young Karla Estrada?

“Sino ba? Si Julia. Puwedeng Julia Barretto, puwedeng Julia Montes,” sagot ng singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN