Willie Revillame ordered arrested by Court of Appeals over child abuse case

In an 11-page decision issued by the 13th division of Court of Appeals, it ordered that TV host Willie Revillame be arrested and prosecuted with charges of child abuse and child exploitation.


Nagdesisyon ang Court of Appeals na arestuhin si Willie Revillame dahil sa kasong child abuse at child exploitation na isinampa laban sa TV host-comedian.

Ito ay may kinalaman sa naging isyu ni Willie noon sa kanyang defunct TV5 primetime-variety show na Willing Willie.

Inakusahan ang 54-year old singer-host ng child abuse dahil sa isang batang contestant, si “Jan-jan”, na nagsayaw sa variety show na parang “macho dancer.”

Read: Willing Willie episode sparks criticisms ranging from "poor taste" to "child abuse"

Noong May 2013 ay pormal na sinampahan ng kaso ang Wowowin TV host ng paglabag sa Republic Act 7610 o mas kilala bilang Anti-Child Abuse Law.

Read: Willie Revillame charged with child abuse over "sexy dance" of 6-year-old boy

Ayon sa report ng INQUIRER.net kaninang hapon, nakalagay rin sa labing-isang pahinang desisyong inisyu ng appeals court 13thdivision, ayon kay Associate Justice Ma. Luisa Quijano-Padilla, na ito ang order na isinaad ng Quezon City Regional Trial Court.

Ayon sa Court of Appeals, “There is probable cause for the petitioner’s commission of a crime, his arrest and arraignment should now ensue so that this case may properly proceed to trial where the merits of both parties’ evidence and allegations may be weighed.

“The case had long been delayed because of the petitioner’s refusal to submit to the trial court’s jurisdiction and erroneous invocation of the Rules in his favor.”

Ayon pa sa Court of Appeals, sinunod ng lower court ang mga batas sa pag-e-evaluate ng mga ebidensiya at factual circumstances na iprinisenta nila bago makahanap ng probable cause sa pag-aresto kay Willie.

Nag-file ng motion for reconsideration noon si Willie sa lower court subalit dinenay ito noong October 4, 2013.

Ayon sa korte, mas nararapat na pag-usapan sa paglilitis ng kaso ang argumento ni Willie na wala siyang intensiyong labagin ang Anti-Child Abuse Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN