Hillarie Danielle Parungao crowned Miss World Philippines 2015

Candidate No. 19 Hillarie Danielle Parungao was hailed as this year's Miss World Philippines. She will represent the country in the Miss World pageant which will be held in Sanya, China this December. (Right) Hillarie and Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann were seen hugging each other after the competition.


Si Hillarie Danielle Parungao, Candidate No. 19, ang itinanghal na Miss World Philippines 2015.

Ginanap ang grand coronation night ng Miss World Philippines 2015, Linggo ng gabi, October 19, sa The Theater sa Solaire Resort and Casino.

Tinalo ni Hillarie ang 25 pang kandidata ng annual beauty pageant.

Hinakot din ni Hillarie ang siyam na special awards; kabilang na ang Best in Sports Challenge, Best in Fashion Runway, Best in Swimsuit, at Best in Long Gown.

Siya rin ang napili ng karamihan sa sponsors at natanggap ang mga sumusunod na awards: Miss Zen Institute, Miss Technomarine, Miss Solaire, Miss Figlia, at Miss Phoenix Petroleum.

Ang runners-up naman ng Miss World Philippines 2015 ay sina: Marita Cassandra Naidas (Candidate No. 14, First Princess), Mia Allyson Howell (Candidate No. 21, Second Princess), Ma. Vanessa Wright (Candidate No. 1, Third Princess), at Emma Mary Tiglao (Candidate No. 12, Fourth Princess).

Sa kauna-unahan ding pagkakataon ay tatlo ang nag-tie at nakatanggap ng Best in Talent award. Sila ay sina Mia Allyson Howell, Avonlea Paraiso (Candidate No. 13), at Vianca Louise Marcell (Candidate No. 22).

Dalawa naman ang nakatanggap ng award na Most Unique Talent: Jannie Loudette Alipo-on (Candidate No. 2) at Emma Mary Tiglao.

Ang iba pang nakakuha ng special awards ay sina: Christelle Abello (Candidate No. 5, Miss Friendship) at ang runners-up rin na sina Vanessa Wright (Miss Jazzy France), Mia Allyson Howell (Miss Fila), Maria Cassandra Naidas (Miss Bench), at Emma Mary Tiglao (Miss Photogenic and Miss Philippine Airlines).

Kabilang sa mga naging judge ng Miss World Philippines 2015 ay sina Bench CEO Ben Chan, former Senator Juan Miguel "Migs" Zubiri, former Governor Luis Chavit Singson, Miss World Philippines Director Cory Quirino, Miss World Philippines 2014 Valerie Weigmann, Miss World 2013 Megan Young, at ang orihinal na Fernando Jose ng Rosalinda na si Fernando Carrillo.

Ang nagsilbing hosts ay sina Iya Villania-Arellano at Tim Yap.

Namataan ding magkayakap sina Valerie at ang bagong Miss World Philippines pagkatapos ng coronation night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Hillarie ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World 2015 pageant na magaganap sa Sanya, China, ngayong Disyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN