Kris Aquino hits back at netizen who commented about Mayor Herbert Bautista: “He's the only male in the world? Duh. Get real.”

Kris Aquino responds to a netizen who suggested that the she should avoid Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Sinagot ni Kris Aquino ang dalawa sa kanyang followers sa Instagram na nag-comment tungkol sa kanyang love life at pagkakaroon ng kritiko.

Nitong weekend, nag-post si Kris ng isang larawang naglalaman ng mensaheng “Happy girls are the prettiest.”

May caption itong: “Welcome back, happiness... I missed you.”

Welcome back, happiness... I missed you. Good night IG Friends. Stay safe this stormy Sunday.

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onOct 17, 2015 at 10:12am PDT

Sa comments section, isang netizen ang nagpayo kay Kris na huwag “isaksak” ang sarili kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, na minsang naiugnay sa TV host-actress.

Sagot naman dito ni Kris: “He's the only male left in the world? Duh. Girl, get real.”

Samantala, isa ring netizen ang nagkomento tungkol sa isang taong may initial na "C.F." mula sa kabilang network ang nagsasalita raw ng negatibo kay Kris.

Ang "C.F." na tinutukoy ng netizen ay ang TV5 columnist-radio host na si Cristy Fermin.

Sinagot ni Kris ang nasabing netizen ng ganito: “That's why life has more flavor & enjoyment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN