Gerald Anderson willing to watch ex-girlfriend Maja Salvador's concert: "Pag in-invite ako, why not?"

Gerald Anderson on his realizations after failed relationships: "Kung ano po yung mga nagawa kong mali, kung ano po yung mga nagawa niyang mali, you just learn from that. And sana yung susunod, you’re a better person. But not only a better person, but a better partner."


Willing daw si Gerald Anderson na bumili ng tickets sa MAJAsty concert ng ex-girlfriend niyang si Maja Salvador, basta makatanggap daw siya ng imbitasyon.

Sa presscon kasi ni Maja para sa kanyang concert ay natanong naman ang singer-actress kung iimbitahin ba niya si Gerald at ang sagot nito ay, “Sana bumili siya ng maraming tickets.”

Read: Maja Salvador iffy about renewing friendship with ex-BF Gerald Anderson: "Parang ano bang dapat pag-usapan, di ba?"

Biro naman ni Gerald, “Wala bang compli tickets para libre lang?”

Dagdag niya, “Will I do what for her? Bibili ako ng ticket?

“Siyempre po kung invited ako. Pag in-invite ako, why not?

“Isasama ko yung buong friends ko, family ko, para at least, di ba?”

So, bibili siya ng ticket?

“Why not? Kahit VIP pa, kung invited ako.”

Ito ang naging pahayag ni Gerald sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula under Star Cinema, along with Enrique Gil at Liza Soberano, ang Everyday I Love You, na ginanap noong Linggo, Oktubre 18, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Sa ilalim ng direksiyon ni Mae Cruz-Alviar, ang Everyday I Love You ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Oktubre 28.



PAST RELATIONSHIPS. Sa presscon ay natanong din si Gerald kung ano ang mga natutunan niya sa kanyang past relationships.

Saad niya, “Ako kasi, when a relationship is over, you know, gusto mong maalala yung mga good moments niyo, yung masayang moments niyo.

“Siyempre that’s why you’re in a relationship, ayaw mong isipin yung mga…

“You know, tulad ng lahat ng relationships, maraming ups and downs.

“Ako naman, kung ano po yung mga nagawa kong mali, kung ano po yung mga nagawa niyang mali, you just learn from that.

“And sana yung susunod, you’re a better person.

“But not only a better person, but a better partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan you can be the best person in the world, pero you’re not that good of a partner.

“Aminado ako I wasn’t like that, and sana sa susunod, I’ll be a better person and a better partner.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN