Angelica Panganiban and Chito Miranda weigh options after Mayor Rodrigo Duterte’s decision not to run in 2016 polls

Naghayag ng saloobin sina Angelica Panganiban at Chito Miranda tungkol sa hindi pagtuloy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo bilang presidente sa 2016 elections. Si Angelica ay mukhang hindi na lang boboto, samantalang si Chito ay may “Plan B” na raw.


Hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang nadismaya sa hindi pagtakbo sa pagka-presidente ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Read: Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."

May ilan ding celebrities ang naghayag ng kanilang saloobin at pananaw sa 2016 elections dahil hindi tumuloy si Mayor Duterte sa presidential derby.

Kabilang na rito ang aktres na si Angelica Panganiban at ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Anim na linggo na ang nakararaan, nag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng larawan ni Mayor Duterte.

May nakasulat dito tungkol sa maaaring maging magandang pagbabago sa bansa sakaling taumkbo ito bilang pangulo at manalo.

Bahagi ng mensahe ni Angelica: “I will definitely vote for him! CHANGE is better if it’s for the good.

Caption niya: "YES ❤️❤️❤️ there's hope Pilipinas!!! ❤️❤️❤️"

YES ❤️❤️❤️ there's hope Pilipinas!!! ❤️❤️❤️

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) onSep 1, 2015 at 11:04pm PDT

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Chito sa kanyang Twitter account noong October 15 ang tungkol sa pagtanggi niya diumano sa dalawang milyong pisong offer mula sa isang presidentiable, dahil mas gusto niyang suportahan si Mayor Duterte o di kaya ay si Senator Miriam Defensor-Santiago.

I was offered P2M to tweet for a presidential candidate. Di ko tinanggap kasi gusto ko suportahan si Duterte o si Miriam kahit walang bayad.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) October 14, 2015

DUTERTE NOT RUNNING. Nagtapos ang filing ng certificate of candidacies (COCs) para sa mga tatakbo sa national and local elective positions alas-singko ng hapon noong Biyernes, October 16.

Pero walang Mayor Duterte na nag-file ng kanyang COC sa Commission on Elections (Comelec) office sa Intramuros, Manila.

Kalaunan, naghayag ito sa kanyang Facebook account na hindi talaga siya tatakbo sa 2016 elections.

Trending sa araw na yun ang #DuterteSerye kung saan marami ang umasang tutuloy sa pagtakbo si Mayor Duterte.

Pagkatapos nito, nag-post sina Angelica at Chito sa kani-kanilang Instagram accounts ng saloobin nila tungkol dito.

Si Angelica ay ipinost sa Viber ang isang screen shot ng palitan nila ng mensahe ng mga katabaho niya sa gag show na Banana Split.

Sinabi niya ritong nasasaktan siya sa pangyayari at baka hindi na lang siya bumoto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa caption, binanggit din ng aktres ang pangalan ni Senator Santiago na maaari niyang iboto.

Sabi ng Pangako Sa 'Yo star: "Politics politics politics �" hang gulo!!! Sino kaya susunod nating presidente? Senator Miriam? O si Eduardo Buenavista na lang kaya? Kayo? Sino boboto niyo?"

Samantala, si Chito naman ay may pag-aanalisa sa mga deklaradong tatakbo na sa 2016 elections.

Sabi niya, “Binay's son-in-law is a good friend. Mar Roxas is a friend of my uncle and also of my bayaw.

“They both understand, however, that this is not simply about friendship.

"It is about who I think is most capable of improving the current state of our country.

“Gusto ko sana si Duterte pero di naman tumakbo. Hehe!

“Ok sana si Mar pero parang tanga yung publicist nya eh. Bakit sya pumapayag na magpicture-picture habang nagta-trafik sa ilalim ng ulan?

"Why not ask one of his men to do that for him para makapag-focus sya sa actual problem? Pero having said that, I think Mar is a decent choice.

“Pero honestly, mas trip ko sana si Miriam pero pinag-aaralan ko pa why she chose Bongbong.

"She must know something that I don't and I'm pretty sure that she's a lot smarter than I am. She wouldn't have chosen him if she felt that he wasn't the right choice.

"I've read about his accomplishments and modernization projects, and I must admit, they are very impressive regardless kung pro or anti-marcos ako.

“Pero sa ngayon, parang mas trip ko si Cayetano or si Robredo.

"Cayetano seems to know all the right questions to ask whenever may ginigisa sila sa senate. While si Robredo naman, seems super matino and trustworthy, and sa panahon ngayon, for me, that may be enough.

“Anyway, it's time to do some research and to listen to what their plans/platapormas are. And when I say research, I mean going beyond what is seen on Facebook, Instagram and Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I strongly suggest that you do too. Hindi yung pipili ka kung sino iboboto mo based on what you see on social media. Hindi rin importante na malaman nyo kung sino ang iboboto ko.

"Ang importante, alam nyo kung sino ang iboboto nyo at kung bakit.

“Anyway, since wala si Duterte, tingin ko it's time for Plan B.

“Goodluck sa ating lahat!

“God bless the Philippines.

“P.S. Oo...alam ko hindi ako political analyst and I also don't understand why I was offered that much because I'm pretty sure that my opinions aren't worth P2M.


"But my integrity is intact, and people are aware of that, and that is worth a lot more than 2 million bucks.

“So chew on that.”

Binay's son-in-law is a good friend. Mar Roxas is a friend of my uncle and also of my bayaw. They both understand, however, that this is not simply about friendship. It is about who I think is most capable of improving the current state of our country. Gusto ko sana si Duterte pero di naman tumakbo. Hehe! Ok sana si Mar pero parang tanga yung publicist nya eh. Bakit sya pumapayag na magpicture-picture habang nagta-trafik sa ilalim ng ulan? Why not ask one of his men to do that for him para makapag-focus sya sa actual problem? Pero having said that, I think Mar is a decent choice. Pero honestly, mas trip ko sana si Miriam pero pinag-aaralan ko pa why she chose Bongbong. She must know something that I don't and I'm pretty sure that she's a lot smarter than I am. She wouldn't have chosen him if she felt that he wasn't the right choice. I've read about his accomplishments and modernization projects, and I must admit, they are very impressive regardless kung pro or anti-marcos ako. Pero sa ngayon, parang mas trip ko si Cayetano or si Robredo. Cayetano seems to know all the right questions to ask whenever may ginigisa sila sa senate. While si Robredo naman, seems super matino and trustworthy, and sa panahon ngayon, for me, that may be enough. Anyway, it's time to do some research and to listen to what their plans/platapormas are. And when I say research, I mean going beyond what is seen on facebook, instagram and twitter. I strongly suggest that you do too. Hindi yung pipili ka kung sino iboboto mo based on what you see on social media. Hindi rin importante na malaman nyo kung sino ang iboboto ko. Ang importante, alam nyo kung sino ang iboboto nyo at kung bakit. Anyway, since wala si Duterte, tingin ko it's time for Plan B. Goodluck sa ating lahat! God bless the Philippines. P.S. Oo...alam ko hindi ako political analyst and I also don't understand why I was offered that much because I'm pretty sure that my opinions aren't worth P2M. But my integrity is intact, and people are aware of that, and that is worth a lot more than 2 million bucks. So chew on that.

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) onOct 16, 2015 at 6:49am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN