Ella Cruz gets her dream necklace from Bret Jackson

Ella Cruz on Bret Jackson: “Maalaga siya. Kasi siya, gusto niya yung kung anong mas nakakabuti sa akin, yun yung parang dapat gawin. And then, sa taping... maalaga rin siya pag nagshu-shoot kami ng movie.”


“Sweet naman siya.”

Ganito inilarawan ng Kapamilya Teen Dance Princess na si Ella Cruz ang kanyang rumored suitor na si Bret Jackson.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Ella sa PEPtalk ay naging bukas ang dalaga sa pagsagot ng ilang katanungan tungkol kay Bret.

Bukod sa pagiging sweet ay maalaga raw ang binata.

“Kasi siya, gusto niya yung kung anong mas nakakabuti sa akin, yun yung parang dapat gawin.

“And then, sa taping... maalaga rin siya pag nagshu-shoot kami ng movie.”

Galante rin daw si Bret.

Sa katunayan, ang iniregalo niya kay Ella noong 19thbirthday nito ay ang pinag-iipunang dream necklace ng dalaga.

Kaya naman naitanong din ng PEPtalk host na si Rachelle Siazon kay Ella ang kuwento sa likod ng white gold necklace na may diamond pendant na lagi nitong suot.

Pabiro pang itinanggi ni Ella noong una ang tungkol dito.

“Necklace? Alin? Anong necklace yun? Alin yun, parang walang naman."

Hanggang sa inamin at nagkuwento na si Ella tungkol dito.

“Hindi, kasi yung necklace na ibinigay niya, yun talaga yung dream necklace ko.

“Sabi ko, ‘One day bibilhin ko yung necklace na ‘to.’

“Kasi parang simple lang siya, pero ang elegant ng dating niya, ganyan.

"So, dream necklace ko siya."

Ano ang reaksiyon niya nung ibinigay ni Bret ito sa kanya?

Sagot ni Ella, “Sobrang nakakatuwa sa effort, super effort ganun.”

Nagtampo nga raw si Bret sa kanya nang hindi niya nasuot ang necklace minsan.

Kuwento ni Ella, “May one time nag-shoot ako, yung sa PreNup, siyempre tomboy ako dun at saka na-establish nang wala akong kuwintas, parang na-hurt siya na hindi ko suot.

“Parang, ‘Ah, okay, may ganun.’

"At saka choice ko rin yun kasi dream necklace ko siya.

"So, siyempre pag dream necklace mo or dream bracelet mo or what, siyempre lagi mo siyang suot and fit naman siya sa kahit anong damit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Simple lang pero 'uy' siya. Lingunin siya.’

Abangan ang iba pang rebelasyon ni Ella sa #EllaCruzOnPEPtalk sa October 21 na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN