AlDub's "Tamang Panahon" concert tickets sell out in just three days

Iba talaga ang power ng AlDub Nation dahil sa loob lamang ng tatlong araw ay ubos na ang tickets para sa"Tamang Panahon" concert nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena sa October 24.


Sa loob lamang ng tatlong araw ay sold out o ubos na ang tickets para sa "Tamang Panahon" concert ng Eat Bulaga! na gaganapin sa Philippine Arena sa Sabado, October 24.

Ito ay base na rin sa website at outlets ng Ticketworld.

Once again Congrats ALDUBNATION! This is Another history we are making ! Thank you! #ALDUBRoadToForever (ctto) pic.twitter.com/1aLE6voqCB

— AD|MD CHIBA (@Aldub_ChibaJP) October 19, 2015

When you see it. 😂 #ALDUBRoadToForever pic.twitter.com/IxARCo8ewY

— Edward Jay Quinto (@SirQuintoFTW) October 19, 2015

Ang "Tamang Panahon" ay magsisilbi ring grand fans day ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Ito ay bilang pasasalamat na rin ng Eat Bulaga! sa AlDub Nation na nagluklok kina Alden at Maine bilang phenomenal stars ng kasalukuyang panahon.

Higit pa rito, ang "Tamang Panahon" concert ay isang paraan ng Eat Bulaga! upang tulungan ang maraming mag-aaral sa iba't ibang panig ng bansa.

Ang 100 porsiyento ng mabebentang tickets—na nagkakahalaga mula P150 hanggang P1,200—ay ilalaan sa pagpapagawa ng libraries sa maraming eskuwelahan sa Pilipinas.

Ito ay tinawag ng Eat Bulaga! na "AlDub Library Project."

SELL LIKE HOTCAKES. Inanunsiyo ang pagkakaroon ng grand fans' day para sa AlDub Nation sa Eat Bulaga!, at kung saan at paano makakabili ng tickets para rito, noong nakaraang Sabado, October 17.

Pero pagkalipas lamang ng ilang oras ay na-sold out na ang VIP tickets na nagkakahalaga ng P1,200.

Dinagsa rin ng AlDub fans ang iba't ibang ticket outlets sa Ayala Malls at National Bookstores sa pag-asang makakuha ng tickets.

Nag-post pa nga ang iba sa social media ng mga larawan na nagpapakita kung gaano kahaba ang pila sa ticket booths.

At pagkatapos ng tatlong araw ay naubos na lahat ng tickets sa sinasabing pinakamalaking pagtitipon ng AlDub Nation at Eat Bulaga! viewers.

Ang Philippine Arena, na may seating capacity na 55,000, ang largest indoor arena sa buong mundo.

MAINE AND SENIOR ALDUB FAN. Kaugnay ng pagpila ng AlDub fans para sa "Tamang Panahon" concert tickets, isang senior citizen ang pinahanap ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabasa kasi ni Maine ang isang Twitter ni "Perfect TiMeng" kung saan ikinuwento nito ang tungkol sa isang lolo na pumila ng anim na oras para makabili lamang ng tickets.

Umaasa raw sana ang lolong ito na makabili ng kahit tig-P350 tickets, pero nang malaman niyang ubos na ito ay bumili pa rin siya ng tig-P150.

Sabi pa raw ng matandang lalaki: "Okay lang na P150, ang mahalaga mapuno natin [ang Philippine Arena], di ba, para di na tayo maliitin."

Sharing this to everyone... Buy na kayo ng tickets kahit pa 150 yan! :) #SPSPakNaPak pic.twitter.com/dm2NouS7ek

— Perfect TiMeng (@Aldub4ever1615) October 18, 2015

Nabasa ito ni Maine kaya agad niyang pinahanap ang senior citizen.

Ilang sandali pa ay nag-tweet muli si Maine na nahanap niya ito.

Found him! Salamat sa lahat!

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 19, 2015

Hula ng marami ay posibleng bigyan ni Maine ng VIP tickets si Lolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN