Cesar Montano downplays second choice issue in MMFF film

Cesar Montano on being second choice for Nilalang role: “Sa akin, wala naman. It’s really a great offer for me. Kahit sabihin mo pang pang-isandaang choice ako rito, I will still do the film. Ako pa rin ang nakagawa ng pelikula, e.”


Hindi maikakaila na second choice si Cesar Montano sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Nilalang.


Si Robin Padilla dapat kasi ang magbibida rito at makakapareha ng Japanese star na si Maria Ozawa.

Nagdesisyon si Robin na mag-backout sa pelikula nang muling makunan ang asawang niyang si Mariel Rodriguez noong Agosto.

Hindi raw isyu kay Cesar ang pagiging second choice.

Aniya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa akin, wala naman. It’s really a great offer for me.

"Kahit sabihin mo pang pang-isandaang choice ako rito, I will still do the film.

"Ako pa rin ang nakagawa ng pelikula, e.

“Kung ilalagay mo yung choice na yun or ganyang trend ng pagpili, halimbawa sa Hollywood, ang titingnan pa rin nila kung sino ang gumawa.”

Nakausap na rin daw ni Cesar si Robin.

Kuwento ni Cesar, “Nasa America pa nga siya.

"Actually, shinare ko kay Direk Pedring [Lopez] yung tinext ni Robin.

“Sabi niya, ‘Ang ganda naman ng tinext ni Robin.’

“Nakakaiyak yung text niya.

"Sabi niya, ‘Bro, I’m so happy na ikaw yung gagawa. I feel honored na ikaw yung gagawa, kapatid. Maraming salamat at tinanggap mo ‘yan.’

"Nakakatuwa at saka matagal ko nang kapatid ‘yan si Robin.”

ON MARIA OZAWA. Ito ang unang pagkakataon ni Maria Ozawa na makagawa ng pelikula sa Pilipinas.

Kaya tinanong namin si Cesar kung ano ang masasabi niya rito bilang leading lady.

Sabi ng aktor, “I feel honored.

“I feel blessed na maka-partner si Maria Ozawa. Tulad ng sinabi ko, she’s very professional.

“Napakagaling niyang makatrabaho sa set. Wala siyang angal.

“Humihiga siya sa set kahit ang daming alikabok. Sabi ko, magkakahika na ‘to.

“Ang dami niyang nasisinghot na alikabok.

"We shot in this unfinished hotel and for many hours, nandun siya. Hindi siya nagde-demand.

"Yung makikita mo sa isang normal na reaction, actually, hindi nga normal. Dapat nga umangal na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako na ang umaangal para sa kanya, pero siya, ‘No, I’m okay, I’m good.’

“Napipilayan na nga siya. Pagka ano, she has this swollen wrist. Hindi pa rin siya umaangal.”

Yun ba ang nakita niyang kaibahan ni Maria sa ibang local actresses?

“Yeah, I’m so proud about her,” sagot ni Cesar.

Inimbitahan na rin daw ni Cesar si Maria na mamasyal sa Bohol, hometown ng aktor.

“Pinagyabang ko na ang mga province natin—Bohol, Palawan, Boracay... and she wants to go to Boracay.”

Sasamahan ba ni Cesar si Maria sa Bohol kung saka-sakali?

“Yeah, more than willing.

"Siyempre, gusto kong pumunta para masabi naman niya sa kanyang bansa na safe at walang kidnapping sa Bohol.

“Very accommodating ang Bohol. Great area, great beach, great hotel.”

Sinabi ni Maria na mahilig siya sa lalaking very romantic.

Romantiko ba ang mga Boholano?

“Ay, oo naman!” natawang tugon ni Cesar.

“Kapag sinabi kong hindi, e, di nagsisinungaling ako.

“Baka magalit naman sa akin ang mga Boholano.”

PROLONGED KISSING SCENE. Ayon sa direktor ng Nilalang na si Pedring Lopez, umabot sa apat na minuto ang kissing scene nina Cesar at Maria.

Nakailang takes din sila dahil nalimutan daw ni Cesar ang linya nito.

Hindi kaya sinadya niya lang kalimutan ang mga ito para makailang takes pa sila?

“Oo nga, e. Take four lang yata ang nagawa dun!” natawang biro ng aktor.

Pero sinadya niya nga ba ito?

“Hindi, kasi may dialogue ako, ‘Stop ko muna kasi kailangan kong umalis.’ Sabi ko, hindi tama ‘to.

“Hindi ko malaman kung ano ang hindi tama, [kung] aalis ako o hindi.

“Nako-confuse na rin ako!

“First kissing scene sa kanya [Maria] yun.”

Apat na minuto raw ang kissing scena na 'yon?

“Maliit pa nga yun!” tawa ni Cesar.

“Pero hindi, yun ang demand ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, ‘Direk, puwede pang paulit-ulitin?’

“But no, it’s a religious experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN