Wenn Deramas wants to do rom-com movie starring Yassi Pressman and Andre Paras

Director Wenn Deramas on Yassi Pressman-Andre Paras loveteam: "Malakas talaga yung team-up at saka ang ganda ng chemistry at energy nila. Sabi ko nga kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer], 'Kung inaalagaan mo ang Jadine, alagaan mo rin ang YaNdre kasi may second ano ka...' Kumbaga, merong KathNiel vs JaDine, meron kang LizQuen vs Yandre."


All praises ang direktor na si Wenn Deramas kina Andre Paras at Yassi Pressman, ang mga artista niya sa Wang Fam, ang horror-comedy movie ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa November 18.

Sinabi ni Direk Wenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naniniwala siyang tulad ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre, malayo ang mararating ng YaNdre—ang loveteam nina Yassi at Andre.

“Naniniwala ako sa YaNdre.

"Up to now, ang pinakamalakas na Jadine na pelikula, yung Diary ng Panget, at nandoon sina Andre at Yassi.

“Malakas talaga yung team-up at saka ang ganda ng chemistry at energy nila.

"Sabi ko nga kay Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer], 'Kung inaalagaan mo ang Jadine, alagaan mo rin ang YaNdre kasi may second ano ka...'

"Kumbaga, merong KathNiel vs JaDine, meron kang LizQuen vs Yandre."

Ang KathNiel ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ang LizQuen naman ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Nakita raw ni Direk Wenn sa set ng Wang Fam ang kabaitan at professionalism nina Andre at Yassi na walang reklamo, kahit mga pagod at puyat sila.

Inamin ng direktor na in love siya sa YaNdre tandem kaya nangako siyang igagawa niya ng isang romantic-comedy movie ang dalawa.

“Sinabi ko sa kanila na, ‘Hinga lang nang konti, gagawa ako ng launching movie ninyo.’

“Talagang matinding rom-com.

"May naisip na nga ako na story kasi in love ako dun sa dalawa.

"Sobrang bait nila, masipag, walang kaarte-arte.

“Yung Andre na sume-segue sa taping ng The Half Sisters... walang reklamo. Nakikita ko na lang na natutulog sa isang sulok.

“Bilib rin ako sa pagpapalaki ni Benjie [Paras, Andre’s father]. Hindi maarte si Andre.

"Ako na nga yung naaawa sa kanya. Walang siyang reklamo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN