Regine Tolentino reveals "special connection" with AlDub loveteam

Regine Tolentino says both Alden Richards and Maine Mendoza are regular visitors in her boutique: "Si Alden, like he’s been taking acting workshops here in the studio [before]. He does acting workshops here that’s why he has a signature downstairs. Si Maine, dito siya nagpi-fitting mismo [ng costumes] sa shop, si Alden din."


May “personal attachment” at “special connection” daw ang TV host, actress, dancer, at businesswoman na si Regine Tolentino sa sikat na loveteam ngayon nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, na mas kilala bilang AlDub.

Bilib nga raw si Regine sa kasikatan at tagumpay na tinatamasa ng AlDub ngayon.

Saad niya, “I’m amazed and I love them dearly.

“Si Alden, like he’s been taking acting workshops here in the studio [before].

“He does acting workshops here that’s why he has a signature downstairs.

“Si Maine, dito siya nagpi-fitting mismo [ng costumes] sa shop, si Alden din.

“However, I haven’t met Maine, but we’ve been doing her costumes for several months na.

“Hindi kasi kami nag-aabot, yung staff ko lang ang lagi niyang nakakasama.

“Iyan lagi silang nagpapa-fan sign kay Maine, laging nagpapabati.”

Ang sinasabing studio at shop ni Regine ay ang pag-aari niyang RT Studios at Regine’s Boutique, respectively.

Ang RT Studios ay ang dance studio ni Regine, kung saan niya isinagawa ang kanyang Zumba classes at seminars bilang isang licensed Zumba instructor.

Ang Regine’s Boutique naman ang kanyang shop na gumagawa ng costumes, couture, at customize dresses.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa intimate interview kasama ang ilang press sa RT Studios at Regine’s Boutique sa Valencia St., Brgy. Valencia, Quezon City, noong Martes, Oktubre 20.

Inorganisa ito ng ineendorso ni Regine na Luminous Glutathione Patch, kaya present din ang Luminous brand partner na si Lewis Joseph at ang sales and marketing consultant na si Ronald Espino.



EXCITED TO MEET MAINE. Gustung-gusto raw ma-meet ni Regine si Maine in person. Hindi lang talaga sila nag-aabot sa shop pag nagpi-fitting si Maine.

Pero hindi lang daw siya ang may gustong ma-meet sina Maine at Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Regine, “Yeah, I’m super excited to meet her.

“And I have so many friends who want to meet AlDub.

“I realized that when I went to Korea and even in Paris, pati doon talagang, ‘Gusto kong makita sina AlDub. Gusto kong pumunta ng Eat Bulaga,’ ganyan-ganyan.

“Wow, talaga namang everywhere I go, basta Pinoy, iyon ang gusto nila. So, I’m amazed.

“And I’m so happy for them, kasi somehow I’m connected to them, I guess you can say that.

“I’m so proud na kami ang gumagawa ng costumes for them.”



REQUESTS FOR REPLICA OF YAYA DUB’S COSTUMES. Inamin din ni Regine na bukod sa costumes ng famous cartoon at TV series characters na ipinapagawa sa shop niya, marami raw sa kanilang customers ang nagre-request ng replica ng costumes na ginagamit ni Maine sa Eat Bulaga.

“We do the AlDub dresses and the people wanna wear the AlDub dresses na suot ni Yaya Dub.

“Sa amin kasi yung mga party dress niya, e, like yung for special events, yung sa Bulaga Pa More. ‘Gusto ko yung dress ni Yaya Dub!’

“E, since we made it, so we make a replica by request.”

Sila rin daw ang natokang gumawa ng ilan sa mga susuoting damit ng AlDub sa soldout concert ng mga ito na Tamang Panahon, na gaganapin sa Philippine Arena sa Sabado, Oktubre 24.

“Yes, we will supply the costumes. We made special costumes for them.”

Kung ang AlDub ay sunud-sunod ang paglabas ng iba’t ibang TV commercials at product endorsements, natutuwa rin si Regine dahil may nagtitiwala rin sa kanya para maging celebrity endorser, katulad na lang ng Luminous Glutathione Patch, isang whitening at anti-aging product.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN