Ejay Falcon insists there's no issue between him and Ellen Adarna

Ejay Falcon says it's best to let bygones be bygone as he affirms his friendship with Pasion de Amor co-star Ellen Adarna. "Kahit matapos ang show, magiging magkaibigan pa rin kami," says Ejay.


Sa kabila ng mga pahayag nina Ejay Falcon at Ellen Adarna na maayos na ang samahan nila at hindi sila naapektuhan ng mga nakaraang isyu sa kanila, may ilang usap-usapang hindi raw nagpapansinan ang dalawa sa set ng Book 2 ng Pasion de Amor.

Nagkaroon nga ba talaga ng lamat ang maganda sana nilang samahan?

Sagot ni Ejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Normal naman yun na nagkakaroon ng di pagkakaintindihan, pero ngayon, masasabi ko na okay naman kami.

“Hindi naman kami bata para maapektuhan sa mga ganun, nag-uusap naman kami.

“Ang importante naman talaga ay maging masaya kami sa set, yung working relationship namin, e, maayos."

Ayon kay Ejay, naniniwala siyang may mga bagay na mas magandang hayaan na lang para hindi na lumaki pa.

Hindi nga raw nila masyadong pinag-usapan ni Ellen ang insidente noong nakaraang 9th Star Magic Ball, kung saan iniwan diumano ng aktres si Ejay para sumama kay Paulo Avelino.

Sabi ni Ejay, “Ayaw na naming pag-usapan kasi parang magiging complicated lalo.

“Magiging kumplikado pag pag-uusapan naming nang seryoso.

“Minsan deadma, deadmahin na lang, hayaan na lang. Ganyan talaga, e.

“Basta nag-usap na kami ngayon, klaro na kami ngayon.

“Masaya kami, kahit sinong tanungin ninyo, sobrang okay kami kami.

“Kahit tanungin ninyo yung mga kasama namin sa trabaho, sobrang okay kami.”

Nabanggit ni Alex Gonzaga sa isang interview ang pagtatanggol ni Ejay kay Ellen.

Sabi ng aktor, sinasabi lang naman niya ang totoo.

“Di naman sa ipinagtatanggol ko siya.

"Dun lang ako sa katotohanan, sa totoong nangyari.

“Kasi napaka-unfair naman na dyina-judge siya ng mga tao na di naman talaga ganun ang nangyari, kawawa din naman.

“Kung ako ang nasa ganung sitwasyon, sana ipagtanggol din ako ng mga tao na nakakaalam kung ano yung totoong ako.

“Ganun lang yun, maging mabuti ka sa iyong kapwa, maging mabait na lang tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaibigan kami at kahit matapos ang show magiging magkaibigan pa rin kami."

VAGUE INTENTIONS. Para sa aktor, kung mayroon man siyang naging pagkukulang, ito ay hindi niya kasi naklaro kay Ellen kung ano ba talaga ang relasyon mayroon sila.

“Alam mo kasi maraming bagay kami na di napag-usapan talaga, yun ang naging problema sa amin ni Ellen.

“Siguro bilang lalaki, yun ang pagkukulang ko, kasi di naging klaro kung ano ang sa amin, di agad naging klaro.

“May mga bagay talaga kaming di napag-usapan.

“Ako kasi, sinasabi ko na masaya ako pag kasama siya, naging espesyal na babae siya para sa akin.

"Ako, aaminin ko talaga yun.

“Lumalabas talaga kami, pero yun nga, may mga bagay nga na yun ang mali ko bilang lalaki na di klaro talaga.

“Di malinaw kung ano yung mayroon kami.

"At least ngayon, naayos namin, yun naman talaga ang importante."

Sa isyu na binasted daw siya ni Ellen, huminto na ba si Ejay sa panliligaw sa kapareha?

“Minsan kasi di naman sinasabi yun, minsan talaga nasa sarili mo na yun.

“Personal na desisyon mo na sa sarili mo na yun, ‘Ano ba? Tuloy ba o hindi?’

“May mga ganun, pero ang problema talaga, di kami nakapag-usap nang maayos bago pa lumabas ang mga isyu.

“Kung anuman yun, ang importante kasi magkaibigan kami ngayon.

“Masaya kami sa trabaho kasi yun naman talaga ang priority namin, yung trabaho.”

BUSY, BUSY. Nang madako ang usapan tungkol kay Paulo Avelino, tiniyak ni Ejay na wala silang isyung dalawa ng kapwa aktor.

“Hindi pa... di ko maintindihan kung bakit kami iniintriga ng mga tao.

“Wala, wala namang isyu, na-explain ko na 'yan, e, di naman kami…

“Bakit kailangang maging big deal sa ibang tao na hindi ko siya kasama o sumama siya sa mga kaibigan din naman niya?

“Intindihin na lang natin kasi kahit naman ako ganun din, ako kasama ko sila Joseph [Marco], mga kaibigan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun mo lang sila makikita, yung mga kaibigan mo."

Madalas na nakikitang lumalabas si Ejay kasama si Ella noon, bagay na hindi na raw nila nagagawa dahil na rin sa kanilang hectic schedule.

“Sobrang busy namin.

"Ako kasi, dalawa na yung shows ko.

“May Wansa pa ako, so every day akong nagte-taping.

"Wala talagang time, yung weekends ko may work pa rin.

“Hindi na nga ako umuuwi sa bahay, sa set na ako natutulog, minsan dun naliligo.

“Masarap na pagod ito.”

Ayon kay Ejay, handa na siyang pumasok sa isang seryosohang relasyon.

“Oo naman, matagal ko nang sinasabi na handa na ako, matagal na.

“Pero kasi, baka hindi pa siya nagpapakita o baka hindi pa panahon kaya maghihintay na lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN