Janno Gibbs on battle of daily noontime shows: "Phenomenon ang AlDub… mahirap tapatan yun."

Naglabas ng kanyang pananaw ang singer-comedian na si Janno Gibbs tungkol sa kumpetistyon sa pagitan ng Eat Bulaga! at It’s Showtime. Pareho eaw niya itong pinapanood kaya payo niya sa mga taga-Showtime, gawin na lang ang mga nakasanayan nilang segments at huwag nang sabayan ang AlDub dahil mahirap itong tapatan.


Napansin din ng TV5 singer-TV host na si Janno Gibbs na labis na naaapektuhan ang ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa pag-alagawa ng “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga! ng GMA Network, partikular na ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza—ang AlDub.

Sabi ni Janno sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules ng hapon, October 21, adik at pinapanood talaga niya ang magkatapat na noontime shows.

“Pwede ba mag-comment? I'm a TV fan as well...TV addict actually. I watch these shows daily.

“Like everyone else, I'm a big fan of Kalyeserye! Aldub n Lola Nidora the best!

"For a time, I was sad when I'd switch to Showtime pag commercials ng Bulaga, halata mong di nila alam ang gagawin.

"But lately unti-unti bumabalik ang sigla ng show… Ganyan lang Showtime!

“Just enjoy what you're doing! Ganun talaga.

"Phenomenon ang Aldub. Mahirap tapatan yun.

"Just keep doing ur own thing.”

Inamin din ni Janno na ang Sunday show nila sa TV5, ang Happy Truck ng Bayan, ay poor third lamang sa dalawang kalaban nito na Sunday Pinasaya ng GMA-7 at ASAP ng ABS-CBN.

Ngunit ini-enjoy na lang daw nila at hindi sila nagpapadaig sa pressure.

“P.S. Every sunday..our show HapiTruckng Bayan is obviously a 3rd choice against Asap and Pinasaya..But we just enjoy the show and do our own thing. No pressure..no hate:)”

Marami namang followers si Janno ang pumuri sa kanyang pananaw.

Tugon ni Janno sa kanila: “I want all local shows to do well!:)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN