Piolo Pascual, Sam Milby thrilled to share same stage with Christopher de Leon, Aga Muhlach, and Richard Gomez

Piolo Pascual and Sam Milby have their moment with the top leading men of local cinema—Richard Gomez, Aga Muhlach, and Christopher de Leon.


Malaking karangalan para kina Piolo Pascual at Sam Milby ang makatabi man lang ang mga beteranong leading men at multi-awarded actors ng Philippine cinema na sina Aga Muhlach, Richard Gomez, at Christopher de Leon.

Nitong Martes, October 20, nag-post si Richard ng isang litrato sa Instagram kasama sina Christopher, Aga, Piolo, at Sam.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Richard sa caption kung saang event kuha ang nasabing photo.

Pero sa earlier post ng kanyang solo pic, sinabi ni Richard na naghahanda siya para sa isang “big event.”

Ni-repost naman nina Sam, Aga, at Piolo ang nasabing post ni Richard.

Caption ni Piolo sa post na ito: “Humbled to be standing alongside these icons I look up to.

“I remember being young and dreaming to be like them and now I get to share the same stage with them and know them as friends and colleagues in this business... Grateful for this blessing Lord.”

Sabi naman ni Sam: “I am extremely honored to be included in one production number with these great actors.

“I honestly feel undeserving but grateful & humbled to share the stage with them.”

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kuha ang rare photo na ito sa 60th birthday party ng president ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio na ginanap sa Edsa Shangri-La, sa Mandaluyong City.

Napa-comment naman si Robin Padilla sa nasabing litrato.

Pinuri ng action star ang kanyang mga kapwa aktor na kasama sa larawan.

“Paumanhin Señor Aga at Richard pero nagulungan kayo ng Señor mayor Christopher de Leon sa pagkakanamnam sa sandali at kasaysayan ng larawan na ito. Saludo sa talino ni @richardgomezinstagram sa pagsasalarawan. Saludo sa katapatan ni @agamuhlach317 sa pagkakalathala at pagpupugay sa gurong Boyet sa walang kamatayan na pagtuturo sa aming lahat na iyong mga estudyante.... at ang pakikiraan ay tiyak na may pupuntahan, [mga] ginoong Pascual at Milby.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Christopher de Leon, Gabby Concepcion, Richard Gomez, and matinee idols of the '70s and '80s who get better with age


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN