Matteo Guidicelli decides not to involve girlfriend Sarah Geronimo in his first major concert

“I don't want the people think I'm just using her or I'm following her. Hindi, this is my dream kahit noong hindi pa kami,” says Matteo Guidicelli about his decision to focus on his career as a singer.


“I wanna work alone.”

Ito ang sinabi ni Matteo Guidicelli nang tanungin kung may partisipasyon ang kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa concert niya, ang MG1, sa Music Museum na gaganapin sa November 28.

Katulad ng sinabi niya sa kanyang mga naunang interviews, gusto nina Matteo at Sarah na ihiwalay ang kanilang relasyon sa trabaho.

“I really wanna keep Sarah and I [pagdating sa work] very separate,” sabi ni Matteo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at reporters sa press conference ng MG1 kanina, October 21.

Sabi pa ng Kapamilya singer-actor, “You know, we told each other, 'Let's not work together, let's keep everything very separate.'

“In the industry, it's so easy na mag-ramble na lang, na maging confusing na ang lahat.

“So we told each other na do your thing and I'll do my thing.

“When we see each other, it's nothing to do with work, it's just real life.”

Umaasa si Matteo na dumating ang panahong maintindihan na ng mga tao ang desisyon nilang ito ni Sarah.

“I hope someday people will understand and keep separate, especially with work. I hope someday.

“But, I guess, it's hard because that's reality.

“We can't turn around from reality, so we just live with and do what we can and do our best,” sabi niya.



BENEFITTING FROM SARAH. Nais din daw ni Matteo na maiwasan ang usap-usapang ginagamit lamang niya ang kanyang girlfriend.

“First album ko pa lang ito, first concert ko pa lang ito, I wanna do it on my own.

“I don't want the people think I'm just using her or I'm following her.

“Hindi, this is my dream kahit noong hindi pa kami,” diin niya.

Mananatili raw ang desisyong ito kahit sa mga susunod pa nilang proyekto.

Ani Matteo, “I think the smart thing to do is not do anything with her right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She's my girlfriend, yes. But she's not my partner at work talaga.

"I wanna work alone. But she's my inspiration at work."

Dagdag pa niya, “I wanna prove myself na I deserve to be here.

"I wanna be here. This is the path I chose.

“Sana magustuhan ng mga tao kasi our goal is just to make people happy, make people have a good time, and make people feel different in their hearts.”

Pagdating naman daw sa mga taong nag-iisip ng masama tungkol sa pakikipagrelasyon niya kay Sarah, sabi ni Matteo, “The bashers online won't affect me.

"I'm the last person who will get affected. I just see it and laugh at it.

“I have better things to do, you know, I have sports, my friends, and so many other things.

“I guess, I just take it as a creative criticism.

"You know, these people inspire me to be better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN