Alden Richards and Maine Mendoza to kiss for real in "Tamang Panahon"?

Sa loob ng 14 weeks ay panay sa screen lang ang halikan nina Alden at Yaya Dub, kaya excited na ang AlDub Nation na makita nang totohanan ang halikan ng dalawa sa "Tamang Panahon" concert na magaganap sa Sabado, October 24, sa Philippine Arena.


Mukhang magaganap na ang pinakahihintay na unang real kiss nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Sa loob kasi ng 14 linggo mula nang nabuo ang AlDub loveteam ay panay split-screen kiss lang ang nasaksihan ng mga manonood at dahil ilang beses pa lang naman talaga nagkikita nang personal.

Pero sa "Tamang Panahon" concert na gaganapin ngayong Sabado, October 24, sa Philippine Arena ay tila magkakaroon na ng katuparan ang pangarap ng AlDub Nation na makitang maghalikan nang totoo sina Alden at Maine.

Sa episode ng Kalyeserye sa Eat Bulaga! ngayong Huwebes, October 22, ay tinanong ng Dabarkads si Lola Nidora (Wally Bayola) kung papayagan ba niyang mag-kiss sina Alden at Yaya Dub.

Ngayong araw rin ang 14th weeksary ng AlDub.

Sagot ni Lola Nidora: "Nasa sa kanila na yun, malalaki na sila."

Dati kasi ay mahigpit na tinututulan ni Lola Nidora na maglapit at maghawak man lamang ng kamay sina Alden at Yaya Dub.

Pero nitong mga nakalipas na linggo ay lumambot na ang puso ni Lola Nidora kay Alden, dahil napatunayan niyang mapagkakatiwalaan ito at nalampasan nito ang lahat ng pagsubok na ipinagawa niya.

Yun nga lang, may mga kundisyones pa siya kapag nagkikita ang dalawa, partikular na ang "no-touch" at "one-foot" rule niya sa unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub sa mansyon.

Ngunit kanina ay sinabi ni Lola Nidora na bahala na sina Alden at Yaya Dub kung anuman ang gawin nila kapag nagkita sila sa "Tamang Panahon" concert sa Sabado.

Inaasahang magkakaroon ng duet sina Alden at Maine sa Sabado, at marami tiyak ang umaasang maging totohanan na ang paghahalikan nila.

Lalo na't wala nang plywood, long table, no touch, at one-foot rule na haharang sa dalawa.

Pero bilin pa rin ni Lola Nidora kay Yaya Dub na dapat ay magpakipot pa rin siya nang konti bilang isang dalagang Pilipina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin kasi ni Lola Nidora na si Yaya Dub pa ang tila mas agresibo kapag nagkikita sila ni Alden sa split screen; gaya ng paglabas ng dila at pagsunggab ng halik nito kay Alden.

Maging ganito pa rin kaya si Maine kapag nagkita na sila nang totohanan ni Alden sa Sabado?

TAMANG PANAHON. Ang "Tamang Panahon" ang magsisilbing grand fans' day ng AlDub Nation, ang tawag sa mga masugid na tagahanga ng tambalan nina Alden at Maine na nabuo sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Pasasalamat na rin ito ng longest-running noontime show sa bansa sa kakaibang suporta na ipinapakita ng AlDub Nation hindi lamang kina Alden at Yaya Dub kundi maging sa Eat Bulaga! mismo.

Ngunit higit pa rito, ang "Tamang Panahon" concert ay magsisilbi ring bayanihan dahil ang lahat ng pinagbentahan ng tickets—na nagkakahalaga ng P150 hanggang P1,200—ay mapupunta sa AlDub Library Project.

Ang AlDub Library Project ay naglalayong makatulong sa maraming mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatayo ng libraries sa mga eskuwelahan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Tatlong araw mula nang ianunsiyo ang pagkakaroon ng "Tamang Panahon" concert ay na-sold out na lahat ng tickets.

Read: AlDub's "Tamang Panahon" concert tickets sell out in just three days

Ang Philippine Arena, na may seating capacity na 55,000, ay ang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao sa Philippine Arena sa Sabado, kaya naman magpu-provide ang Eat Bulaga! ng libreng sakay para sa ticket holders na manggagaling ng Maynila.

PARA SA MGA DABARKADS NA MAY TICKET SA TAMANG PANAHON.MAY MGA BUS PO NA PWEDE KAYONG SAKYAN MULA SA AMING PICK-UP POINTS PAPUNTA SA PHILIPPINE ARENA.LIBRE PO ITO AT FIRST COME FIRST SERVED BASIS.

Posted by Eat Bulaga on Wednesday, 21 October 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN