Kim Chiu on working with Gerald Anderson and Maja Salvador in a project: “Depende sa kuwento, bahala na.”

Ayon kay Kim Chiu, hindi pa niya masasabi kung tuwiran ngang maibalik ang dating samahan nila ng kaibigang si Maja Salvador ngayong nagkakaayos na sila. Sabi pa ng dalaga, “Hindi ko alam, e. Di natin alam, di ko alam.”


Ayon kay Kim Chiu, kahit na nagkaayos na sila ng dating matalik na kaibigang si Maja Salvador, hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataong mag-bonding na silang dalawa lang.

“Okay naman kami. Ngayon, hindi lang siya laging nag-a-ASAP kasi magku-concert siya,” sabi ni Kim tungkol kay Maja.

Ang tinutukoy ni Kim ay ang MAJAsty concert ni Maja na gaganapin sa November 13, sa MOA Arena.

Susuportahan daw niya ang concert ng kaibigan sa pamamagitan ng pagbili ng tickets.

“Hindi pa kami nagkikita, e, pero okay naman.

“Oo nga [baka bentahan], parang si Enchong [Dee] at Angeline [Quinto], kasi binentahan ako ng tickets.

“Suportahan, kanya-kanya, para part of growing up, part of growth sa showbiz industry.

"Wala namang masama dun," sabi ni Kim.

Dagdag niya, talagang nahilom ng panahon ang anumang samaan ng loob nila ni Maja.

“Okay naman talagang time heals talaga lahat.

"And parang at least may natutunan ka sa nangyari and na-experience mo yun at a young age."

Diretsong tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): pakiramdam ba niya ay nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan?

Nakangiting sagot ni Kim, “Lamat? Grabe naman kung maka-lamat naman ‘to!

"Relasyon? Dyowa?

“Ay, wala, wala, wala... okey naman.”

Pero naibalik na ba talaga ang dating samahan nila?

Sabi ni Kim, “Normal. Normal lang.

"Nagkita lang kami sa ASAP lang talaga."

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Kim sa launching ng bago niyang endorsement na FatOut herbal dietary supplement, ngayong Huwebes ng hapon, October 22, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Masaya si Kim sa bagong blessing na ito dahil sa bawat nabebentang box ng FatOut, may ilang porsiyento raw nito ang mapupunta sa sinusuportahan niyang charity.



POSIBLE PROJECT WITH MAJA AND GERALD. Nitong nakaraang presscon naman ni Maja, sinabi niyang handa siyang makatrabaho si Kim at si Gerald Anderson sa iisang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehong naging ex-boyfriend nina Kim at Maja si Gerald.

Pero ayon kay Maja, depende pa rin ito sa dating nobyo kung handa itong makasama sila.

Si Kim ba ay handa na ring makasama ang dating best friend at ang ex-boyfriend?

Natatawa nitong sagot, “Riot yun!

“Ngayon sama-sama? Combined powers?

"Hindi ko alam. Hindi ko alam... tingnan natin.

"Depende sa kuwento, bahala na."

Wish din ba ni Kim na maibalik ang dati nilang pagkakaibigan ni Maja?

Sagot ni Kim, “Hindi ko alam, e. Di natin alam, di ko alam.”



POSIBLE RECONCILIATION? Inusisa rin ng PEP si Kim, kung mamarapatin ng pagkakataon, posible kayang magkakabalikan sila ni Gerald?

Limang taon na rin kasi siyang single pagkatapos ng kanilang hiwalayan noong 2010.

Sagot niya, “Ikaw talaga, balik-balikan mo pa 'yang nakaraan!”

Siya raw kasi ang tipo na hindi na nakikipagbalikan.

Dagdag pa niya, “Oo, wala na. Past is past, sabi nga sa libro.”

Pero magkaibigan ba sila ni Gerald?

Tugon niya, “Oo, sobra kaming friends.

“Kaming lahat friends.

"Huwag ka nang magtanim ng kahit anong galit kasi ikaw lang ang mapapagod."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN