Pokwang excited to meet boyfriend Lee O'Brien's parents in January: "Englisan na naman ‘to!”

Being busy and being with friends are Pokwang's antidotes against the pain of her miscarriage: "Suportahan sa trabaho, sa pamilya ko... yung adjustment na ibinigay ng Viva, ni Direk Wenn [Deramas]. During that time, nagna-Nathaniel, di ba? Pagud-paguran.”


Magpapatawa muli si Pokwang sa bagong pelikula niya na Wang Fam, isang horror-comedy ng Viva Films na ididirek ni Wenn Deramas.

Alam ng marami ang malungkot na pangyayari sa buhay ng komedyante nang nalaglag ang ipinagbubuntis na anak sana nila ng American actor boyfriend na si Lee O’ Brien.

Paano nakakapag-move on si Pokwang sa pinagdaraanang kalungkutan?

“Suportahan, suportahan sa trabaho, sa pamilya ko,” pahayag niya noong October 22, sa ginanap na press conference ng Wang Fam sa The Music Hall sa Metrowalk.

“Actually kanina, kaya ako naiiyak, habang sinu-shoot namin ang pelikula na ito, yung adjustment na ibinigay ng Viva, ni Direk Wenn [Deramas].”

Nakatulong rin daw na naging busy siya sa katatapos na teleserye ng ABS-CBN, ang Nathaniel.

Lahad pa ni Pokwang, “Kaya sabi ko, kahit na sobra ang pinagdaanan ko, blessed pa rin ako.

“Kasi ang daming taong nagmahal sa akin at sumuporta at nakaunawa.”

Wala rin naman daw problema kung sakaling gugustuhin pa rin nila ni Lee na magkaroon ng anak.

Aniya, “Puwede pa rin naman daw pero kailangan, ingatan...bed rest na mga five years, chos!”

Mauuna pa rin ba ang pagkakaroon ng baby nila ni Lee sa kasal?

“Sana, actually, kahit anong mauna, happy,” saad niya.

May proposal na?

“Wala pa, walang pressure,” sabi niya.

HAPPY TOGETHER. Nasa America muli si Lee at umalis daw ito noong October 16.

Bukod sa may trabaho itong tinanggap dun ay papatapos na ang working permit ni Lee sa Pilipinas at kinakailangan niyang umexit muna.

Isang buwan itong mawawala at hindi pa raw sigurado kung aabot ito sa premiere ng pelikula ni Pokwang.

Ngayon pa lang daw sila nagkahiwalay nang matagal-tagal ng boyfriend.

Kumusta yung huling gabi nila ni Lee?

“Lungkot-lungkutan,” pag-amin ni Pokwang

Ano naman ang pakiramdam ni Pokwang nung nagdesisyong lumagi muna ang boyfriend niya rito para makasama siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Aba, siyempre, happy-happy, di ba?”

Nagpahayag rin daw si Lee na pagkatapos ng mga commitments nito sa ibang bansa, titira na siya dito sa Pilipinas para makasama niya.

Naniniwala siya sa pangako nito?

“Naniniwala ako sa pagkatao niya, sa laman ng puso niya,” saad ni Pokwang.

Stage girlfriend ba siya?

“Ay no, pero siyempre kapag kailangan ng mga advice sa mga Tagalog na binibigay sa kanya, tinatanong niya ako kung paano bibitawan.

“Actually, puro mga gay lingo nga ang natutunan sa akin.”

Madali lang ba itong matuto?

“Oo,” mabilis niyang sagot, “At saka, mapursige naman siya.”

Paano kung siya ang yayain ni Lee na pagkatapos nilang ikasal ay sa America na sila tumira?

“Wow, biglang nahirapan, di ba,” natawa niyang sabi.

Pero agad niyang dinugtong, “Family... kung may trabaho e di trabaho, pero mas ano kasi ako sa family.

“Actually, kung anuman ang desisyon, basta masaya kami.

“Kahit saan kami mapadpad sa mundong ito, basta masaya kaming magkakasama kami.”

Masaya naman daw ang anak ni Pokwang na si Ria Mae sa relasyong niya ngayon.

“Actually, pinagtutulungan nga nila ko, magkakampi sila palagi.”

MEET THE PARENTS. Sa January daw ay darating sa bansa ang mga magulang ni Lee.

Anong pakiramdam na makikilala na niya ang mga ito?

“Excited! Excited ako siyempre, Englisan na naman ‘to!” natawang biro niya.

“Yun ang nakaka-excite, hindi ko pa sila nami-meet.”

Paano niya ito pinaghahandaan?

“Tinatanong ko na, ano ba ang mga paborito nilang pagkain, ano ba ang mga gusto nilang puntahan, kiyeme, yung ganun.”

Kinamusta rin namin kay Pokwang kung ano ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Lee nang malaman na nakunan siya.

“Kumbaga, nagdarasal sila na maging okey kayo riyan, sana maging masaya lang kayo.

“Ingatan mo ang sarili mong anak. Minsan kasi, kapag nag-uusap sila, naka-loud speaker, e.

“Mukhang mabait naman ang mga magulang niya, grabe silang magmahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-iisa lang siyang anak kaya ganun sila ka-close na family.”

WORTH THE WAIT. Samantala, sadyang para kay Pokwang naman daw talaga ang pelikulang Wang Fam kaya hinintay talaga ni Direk Wenn na maging okay ang komedyana.

Kaya naman natuwa ang direktor na natuloy rin at ipapalabas na sa November 18.

Kuwento ni Pokwang, “Sabi nga ni Direk, kung talagang para sa ‘yo, para sa ‘yo.

“Finally, nagkasundo na rin. Kasi, gusto talaga ni Direk sa akin lang talaga,” saad niya.

Dugtong pa niya, “Tulad nga ng sinabi niya kanina, para kay Pokwang ‘to.

“‘Kasehodang hundred years akong maghintay, kay Pokwang ‘tong pelikulang ‘to.

“‘At yung pagtitiyaga ko, paghihintay namin ng tamang panahon, worth it talaga.’”

Natapos raw ni Pokwang ang pelikula habang nandito pa sa Pilipinas si Lee.

“Oo naman, at during that time, nagna-Nathaniel, di ba? Pagud-paguran.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN