JC de Vera grateful to ABS-CBN: "Without them, wala, wala ako."

JC de Vera on what to expect from his character in You're My Home: "More mature JC, deeper side of acting. Mas raw, different persona na naman, malayung-malayo sa dating JC na napapanood nila.”


May maganda raw talagang idinudulot sa buhay kapag ang tao ay marunong maghintay.

Ito ang napatunayan ng Kapamilya actor na si JC de Vera.

Mula sa GMA hanggang sa TV5 at ngayon, sa ABS-CBN, marami ang nagsasabing lumutang daw ang talento sa pag-arte ni JC sa Kapamilya network.

Sabi ng actor, “Uhm, all credits, lahat manggagaling lahat sa ABS-CBN.

"Because of ABS-CBN, I’m JC.

“So, very grateful lang ako na alam mo yun, sila talaga yung tumutulong sa akin, sila yung sumusuporta.

"Without them, wala, wala ako.”

So far, ilan sa mga naging proyekto niya sa ABS-CBN ay ang The Legal Wife at Moon of Desire.

Ngayon, makikipagtagisan na naman sa pag-arte ang 29-year-old star sa upcoming primetime drama series na You're My Home.

Sa bagong serye na You’re My Home, gagampanan ni JC ang papel ni Christian Vergara, anak ng isang maimpluwensiyang senador na nasasakdal sa kasong frustrated homicide.

Ano ba ang maaasahan ng kanyang mga fans?

Tugon niya, “More mature JC, deeper side of acting.

"Mas raw, different persona na naman, malayung-malayo sa dating JC na napapanood nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa grand presscon ng You’re My Home noong Miyerkules, October 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kabilang din sa mga lead stars ng soap ay sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Sam Concepcion, Paul Salas, at Jessy Mendiola.



LOVELESS. Nanatiling single pa rin si JC ngayon.

Ang huling na-link sa kanya noon ay si LJ Reyes, ngunit naudlot anuman ang namagitan sa kanila.

Sabi niya, “Wala muna siguro, at the moment. Pero merong mga nakakasama, merong nakikita.

"Pero non-showbiz siya. At the moment, wala pa, e [girlfriend].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN