Joey de Leon on Alden Richards and Maine Mendoza: "Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation."

Kung si Joey de Leon daw ang masusunod, gusto rin niyang magkatuluyan sa totoong buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza. Kuwento ng veteran TV host-comedian, “Alam mo sa akin, kung ako, siyempre manok namin si Alden, alam mo, wife material si Maine, e... Kaya nga minsan, tinanong ko kay Alden kung wala bang tamang pana. Magba-Valentine’s Day na, e. E, bata pa si Alden, e. Sabi lang niya, ‘Meron naman, Tito Joey, meron naman. Tingnan natin.’&q


Wala raw masyadong alam ang main hosts ng Eat Bulaga! kung ano ang mapapanood sa “Tamang Panahon” grand fans day ng AlDub sa Philippine Arena bukas, October 24.

Ang AlDub ay ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Kuwento ni Joey de Leon, nang nakausap ng PEP.ph sa studio ng CelebriTV kahapon, October 22, ilang beses niyang tinatanong ang mga staff kung ano ang mangyayari sa Kalyeserye, pero pinapatahimik lang daw siya.

“Alam mo, mismo kami sinisikreto ng staff, e.

"Pero matindi, e. Yung mga hindi niyo pa nakikita tungkol sa dalawa, kami aalalay na lang kami.

“Ibang klase, e. Konsiyerto ang mangyayari sa Sabado, kami nga ay hindi sumilip sa mga ginagawa nilang rehearsals.

“Basta matindi,” pahayag ng Eat Bulaga! host.

May ideya lang daw siya sa ilang gagawin ng Dabarkads, pero kung ano ang gagawin nina Alden at Maine, wala raw talaga silang alam.

“Kami nga mismo, mga old timers sa Bulaga, amazed, e.

“Iba ang dating nitong dalawa at ang buong Kalyeserye… actually silang lima 'to, e.”

Ang tinutukoy ni Joey ay ang main characters sa Kalyeserye na sina Alden, Maine (as Yaya Dub), Wally Bayola (bilang Lola Nidora), Paolo Ballesteros (bilang Tidora), at Jose Manalo (bilang Tinidora).

Patuloy ng veteran TV host-comedian, “Panoorin na lang natin, sa mga Team Bahay, yung mga walang ticket, e.

“Mapapanood niyo naman ito lahat sigurado, iri-replay pa rin naman ‘to.

“Hindi natin alam kung magyayakap silang dalawa o maghahalikan, hindi talaga namin alam.

“Kahit sa Lunes, hindi rin namin alam.

"Yung Kalyeserye minsan nagbabago ‘yan, e.

“Kami mismong sa panel, hindi rin namin alam, kasi minsan nagbabago ‘yan, e.

“Ayaw naming alamin dahil mas maganda, mas natatawa kami, nakaka-excite at kinikilig pa rin kami sa kanilang dalawa.


“Yun talaga ang katotohanan. So, panoorin niyo na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BREAKING THE RECORD. Hindi rin daw iniisip nina Joey ang sinasabi ng iba na baka may world record daw silang ma-break sa tindi ng suporta sa Kalyeserye.

“Hindi na namin iniisip yun.

“Yun mismong venue [Philippine Arena], world record na, e.

“Excited nga kami dahil sa amin, first time pa lang kami nakakapasok dun.

“Pero hindi na namin pinapansin ‘yang mga world record.

“Ang importante sa amin, masaya yung mga tao,” saad ni Joey.

Sa tingin ni Joey, kung anuman ang gagawin ng AlDub bukas, mahaba pa ang tatakbuhin ng Kalyeserye at patuloy pa ring susubaybayan ang loveteam nina Alden at Maine.

Kung siya nga raw ang masusunod, gusto na rin niyang matuloy sa totohanang pagmamahalan ang relasyon ng dalawa. Kaya lagi raw nilang kinukulit si Alden kung ano na ba talaga.

Kuwento ni Joey, “Alam mo sa akin, kung ako, siyempre manok namin si Alden, alam mo, wife material si Maine, e.

“Siguro ako lang ang nagsasabi niyan.

“Pero ano siya talaga, e, paganda nang paganda, e.

“Kaya nga minsan, tinanong ko kay Alden kung wala bang tamang pana. Magba-Valentine’s Day na, e.

“E, bata pa si Alden, e.

“Sabi lang niya, ‘Meron naman, Tito Joey, meron naman. Tingnan natin.’

“Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation.

“At kung makasal, lahat kami magni-ninong.

“Kahit hindi kami kunin, mag-a-apply kami!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN