Yassi Pressman on brewing romance with loveteam partner Andre Paras: ??Wala siyang sinasabi, puro action lang.??

Yassi Pressman describes screen partner Andre Paras's gentlemanly ways: "Nung nagsisimula pa lang kami, kapag may pintuan, bubuksan niya talaga for me. Kapag may stairs, inaalalayan niya ako. Pero ginagawa niya lahat yun ng pa-joke. Hindi niya ginagawa o ipinapakita na parang seryoso... ngayon lang po siya naging ganyan.''


Hindi mapigilan ni Yassi Pressman na maging emotional habang nagpapasalamat siya sa mga kasama niya sa pelikulang Wang Fam ng Viva Films.

Napansin ng mga entertainment press ang dramatic moment ni Yassi bago matapos ang presscon para sa pelikulang ito na ginanap sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas, noong October 22.

Pagkatapos ng presscon proper ay inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Yassi ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Aniya, "Hindi po siya tears of kalungkutan, I'm just happy lang.

"Ngayon din lang po kasi ako nakapag-thank you sa lahat-lahat.

"Kasi ngayon din lang kami nabuo lahat, like kasi, pag may scenes, kala-kalahati lang kami.

"At sa set kasi, totoo yung sinabi namin na walang dramatic moments—puro tawanan, super-energy lahat.

"And ngayon lang lahat, na pati mga taga-Viva ay nandiyan, so I took the opportunity to thank everyone talaga."

Higit pa rito, nag-sink in daw sa kanya ang naging takbo ng kanyang career, ang pagsisimula niya sa industriya, at ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan hanggang marating niya ang lugar kung nasaan man siya ngayon.

Ayon sa Viva contract star, "Totoo yun.

"Yung trying years ko, at kung paano ako nag-stay.

"Pero sa first year ko, kung gagawin ko ito, for sure, hindi ko naman kayang gawin ito.

"Yung talagang inalagaan din ako ng Viva, dahil ang una ko talagang pinasok ay ang dancing, 'tapos naging singing, naging acting and hosting.

"Kaya para talagang super-thankful din ako, at ngayon lang talaga nag-burst lahat ng nasa loob ko.

"Hayun. Sincere, honest thank you lang talaga sa lahat ng nangyari sa akin sa taong ito."

GRATEFUL TO DIREK WENN. Malaki raw ang utang na loob niya kay Direk Wenn Deramas, na siyang naging dahilan kung bakit napunta sa kanya ang lead part ng Wang Fam.

Sabi ng 20-year-old actress-TV host, "Oo, sobrang thankful ako kay Direk Wenn na ipinaglaban niya talaga ako for this role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halu-halo na po.

"Halu-halong feelings lalo na't isa siyang box-office director, na puwede niyang ipagkatiwala sa iba ang project na ito, pero ako talaga ang naisip niya.

"Siyempre, ano pa nga ba ang nararamdaman ko, di ba?

"I have the biggest challenge of my career right now, pero I know, challenge din ito kay Direk.

"So I can't thank him enough sa trust sa akin."

ON ANDRE PARAS. Sa puntong ito, sinabi ng PEP sa kanya ang naobserahan ng marami sa kanilang dalawa ni Andre Paras sa gitna ng presscon.

Kita ng lahat kung paano siya lambingin nito katulad ng paghagod sa kanyang buhok, at pabirong pag-ihip nito ng hangin sa kanang tenga niya.

Silang dalawa na ba ngayon?

Pagklaro niya, "Hindi po. Sweet lang po talaga siyang tao.

"Nung nagsisimula pa lang kami, kapag may pintuan, bubuksan niya talaga for me.

"Kapag may stairs, inaalalayan niya ako.

"Pero ginagawa niya lahat yun nang pa-joke.

"Hindi niya ginagawa o ipinapakita na parang seryoso... ngayon lang po siya naging ganyan.

"Sobrang showy po siya, pero kapag kaming dalawa, parang wala lang.

"Wala siyang sinasabi, puro action lang."

Pero nasaang level na ba ang closeness nilang dalawa ngayon? Nag-level up na ba ito?

Sabi ni Yassi, "Hindi ko rin po alam, kung ano na po.

"Noon kasi, yung sabi nilang crush-crush niya ako, si Kobe [younger brother ni Andre] ang nagsabi niyan sa akin noong kapapasok pa lang nila sa GMA.

"Pero ang tagal na po nun.

"Wala naman siyang [si Andre] sinasabi na... wala, wala naman."

RESPECT. Hindi kaya dahil sa gumagandang career nilang pareho kaya nagpipigil ang panganay na anak nina Benjie Paras at Jackie Forster sa pagligaw sa kanya?

Tugon niya, "Siguro, nirerespeto rin niya na ngayon lang nangyayari ang lahat ng ito.

"Naiintindihan niya, na ngayon ko nari-realize ang dreams ko, at maging siya ay ganun din...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na wala siyang oras, at kung magkasama man kami, it's all work.

"Wala kaming free time at all, at kung meron man, ini-spend namin yun sa aming family and close friends.

"Kaya yun, nirerespeto niya yun, at happy ako na maging siya, it's how he sees things, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN