Arjo Atayde shrugs off his acting critics: “You can’t avoid it.”

Arjo Atayde feels thankful for the rave acting reviews he's been getting for his kontrabida role in Ang Probinsyano.This serves as a fitting vindication for those who doubted his acting chops before. He says, “Those who doubted me, wala na akong masasabi dun.”


Bukod kay Coco Martin, pinupuri rin ng mga manonood ng serryeng Ang Probinsyano ang kontrabidang si Arjo Atayde.

Ginagampanan ng aktor ang kanyang papel bilang si Joaquin Tuazon, ang mahigpit na kalaban ni Coco sa istorya.

Ano ang pakiramdam ni Arjo sa mainit ang pagtanggap ng mga tao sa show?

Sabi ng 24-year-old Kapamilya star, “Very thankful ako and overwhelmed.

“Gaya nung isang araw, napag-usapan namin ni Coco na sana maganda ang pagtingin ng mga tao sa show, and ayun nga, first day pa lang, nag-boom naman.

“Sobrang overwhelming ang pagtanggap ng mga tao and nakakataba ng puso. Nakakasaya.

“I’m very thankful for the feedback from people and sobrang nakakataba ng puso.

"Sobrang overwhelming. Right now, I can promise that I’m proving my worth for the compliments they’re giving me.”

Napi-pressure ba siya dahil dekalibreng mga personalidad ang kasama niya sa soap?

Sagot ng binata, “It obviously is a pressure, kasi sobrang magagaling yung mga kasama ko, and I prepare and I make sure that I’m 100 percent there at all times.

“Hindi lang sa nagpi-prepare ako, kundi marami lang akong natutunan since magagaling ang mga kasama ko.

"And yun nga, si Coco and Tito Albert [Martinez] are actually my mentors for this show, and I’m very blessed to have them as well.”

May mga umaaway ba sa kanya dahil sa kanyang kontrabida karakter?

Ani Arjo, “May mga umaaway naman pero meron naman silang bawi…

“Pero what’s important naman to me, as of now is the show, e. May mga nagmumura pero it’s not naman yung tipong mura na directly sa akin kundi sa character.

“So kahit papaano, I touched their lives with my character, so I’m very, very grateful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa launch niya bilang pinakabagong endorser ng Hammerhead Jeans and Shirts noong October 24 ng gabi sa Victorinos Restaurant, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang kauna-unahang endorsement ng aktor na aminadong hindi mahilig sa branded na kasuotan as long as kumportable daw ito sa katawan.

Kasama niya sa presscon ang limang taon na ring endorser ng naturang brand na si Kristoffer Martin.

NOT COMPETING WITH OTHER ARTISTS. May naungusan ba si Arjo na old timers sa ABS-CBN dahil sa pag-angat ng kanyang pangalan?

Wala na kasing regular shows ang ibang Kapamilya stars ngayon.

Sagot ni Arjo, “Nalampasan? Hindi naman ano... kasi sa akin, honestly speaking, I’m not in the industry to compete with other people.

“You can’t avoid it.

"It’s inevitable for you to be told na, 'Yes, you are in a competition with people in the network.'

“Pero para sa akin kasi, I got here to work because I love acting, period.

"I don’t really compete with anyone.

"I’m in a show, in a team, in a good show to show people, not just... you know, magpasikat or anything.

“So as of now, I’m very happy with how my career is going.”

PROVING HIS WORTH. Taong 2012 nagsimula sa showbiz si Arjo, na anak ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez.

Sa loob ng tatlong taon niya sa showbiz, nanalo si Arjo ng tatlong tropeo sa Star Awards bilang Best New Male TV Personality for Maalaala Mo Kaya: Bangka (2012), Best Drama Supporting Actor for Dugong Buhay (2013), at Best Single Performance by an Actor for Maaalala Mo Kaya: Dos Por Dos (2014).

Ang ipinakita ba ni Arjo na galing sa pag-arte, mapa-bida man o kontrabida, ang sagot niya sa mga taong nagduda sa kanyang kakayahan noon?

Tugon niya, “Sa akin kasi, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob.

"In every step, you go through a process kasi, e.

“For me, whoever was there for me from the start, are the same people I will grow with until the end.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don’t think of other people kung paano sila mag-isip na, ‘Hindi niya kaya.’ Those who doubted me, wala na akong masasabi dun.

“But for me, I’m doing my best. I’m trying my best.

"I’m doing what I love the most, at maging masaya.”

Hindi pa raw naiisip ni Arjo sa ngayon kung tuluy-tuloy na ang mga kontrabida roles na tatanggapin niya dahil one project at a time daw muna siya sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN