Allan K appeals to netizens for sobriety amid same gown issue involving Maine Mendoza and Kim Chiu: “Wag na lagyan ng issue yung gown.”

Allan K to netizens pitting Maine Mendoza against Kim Chiu for wearing the same Francis Libiran gown: "Wag na lagyan ng issue yung gown. Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out."


Binatikos ang gown na suot ni Maine Mendoza bilang Yaya Dub sa Tamang Panahon benefit concert ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga! isang araw matapos ginawa ang matagumpay na event sa Philippine Arena noong October 24.

Napansin ng ilang netizens na nasuot na ng Kapamilya star na si Kim Chiu ang gown ni Maine.

Sinuot ni Kim ang nasabing gown sa fashion show ng designer nito na si Francis Libiran noong 2013.

Dahil dito, sunud-sunod ang blog entries na nagsabing "recycled" umano ang gown ni Maine.

Una nang nilinaw ni Francis na binili ng Eat Bulaga! production team ang gown ni Maine at hindi pa ito nagamit ng ibang artista para sa ibang event.

Naglabas rin si Kim ng kanyang reaksiyon sa Twitter.

Read: Kim Chiu finds nothing wrong about same gown issue with Maine Mendoza: “No hate please? A gown is just a gown...”

Sa kanyang official Twitter account na @allanklownz, hindi napigilan ng Eat Bulaga! Dabarkads na si Allan K na sitahin ang mga gumagawa ng isyu sa gown na sinuot nina Maine at Kim.

Wag na lagyan ng issue yung gown. Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?

— allan k (@allanklownz) October 25, 2015

A gown is just a gown. Whats more important is the smile and the rawness of personality she wore. Ok?

— allan k (@allanklownz) October 25, 2015

Hinamon din ni Allan K ang mga bumabatikos kay Maine at sinabing ipasuot rin ito sa ibang artista at subukang punuin ang Philippine Arena.

Naglabas na ng statement si Francis Libiran about the history of the gown

— allan k (@allanklownz) October 25, 2015

Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets. Ok?

— allan k (@allanklownz) October 25, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN