Nadine Lustre considers huge success of OTWOL as advanced birthday gift

Nadine Lustre on her birthday wish: “Sana patuloy akong makapagpasaya ng mga tao, at sana magtuloy-tuloy din ang success ng loveteam namin ni James.”


Sa Sabado, Oktubre 31, pa magdiriwang si Nadine Lustre ng kanyang ika-22 kaarawan.

Pero sinorpresa na siya ng birthday cake ng kanyang mga co-actor at production team ng kanilang hit Kapamilya primetime teleseryeng On The Wings Of Love (OTWOL).

Nangyari ito sa matagumpay na OTWOL Spread The Love Tour na ginanap noong Linggo, Oktubre 25, sa Market! Market! Activity Center.

Nang matanong ng kanyang birthday wish, ang sagot ni Nadine: “Sana patuloy akong makapagpasaya ng mga tao, at sana magtuloy-tuloy din ang success ng loveteam namin ni James.”

Ang wish naman para sa kanya ng ka-loveteam niyang si James Reid, “Ang wish ko, sana matupad ang wish mo!”

Bukod sa mga bidang sina James at Nadine, nakisaya rin sa event ang iba pang cast ng OTWOL na sina Albie Casiño, Cherry Pie Picache, Bianca Manalo, Nico Antonio, Nanette Inventor, Jason Francisco, Andre Garcia, Laiza Comia, Nhikzy Calma, at mga artistang gumaganap na kapitbahay sa Tenement Uno.

Present din ang mga direktor ng show na sina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin. Pati ang Dreamscape Head na si Deo Endrinal at ang Dreamscape AdProm Head na si Biboy Arboleda.

Ang Dreamscape Entertainment Television ang may hawak ng produksiyon ng OTWOL para sa ABS-CBN.

Punung-puno ng mga OTWOListas ang venue at talaga namang dumagundong ang loob ng Market! Market! sa lakas ng sigawan at tilian, lalo na nang lumabas na sa stage sina James at Nadine.

Ang tindi rin ng hiyawan nang mag-dance showdown sina Albie at James.

Pinili ng mga tao na winner si James kaya may premyo siyang kiss kay Nadine.

Labis ang pasasalamat ng buong OTWOL cast sa lahat ng mga dumagsa sa Market! Market!

Pasasalamat nila ang event na ito sa walang humpay na suporta ng kanilang fans at viewers na nagtulak para ma-extend hanggang February next year, at maging consistent toprater ang kanilang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpaikot din ang OTWOL team ng collection bottles sa venue bilang suporta sa “Show The Love” campaign ng ABS-CBN para pantulong sa mga nasalanta ng bagyong Lando.



GRATEFUL. Samantala, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na saglit na makausap si Nadine pagkatapos ng event.

Dito nga ay inihayag niya ang kanyang kasiyahan at pasasalamat.

Saad ng Viva star, “Grabe ang dami-daming tao. Super thankful ako na ganito karami ang pumunta.

“And I heard mayroong 3 A.M. pa lang, nandito na.

“So, I’m really, really grateful sa kanila kasi yung suporta nila sa OTWOL and sa amin ni James, talagang ibang klase.”

Ano ang nasa isip ni Nadine nang tawagin ang pangalan niya ay talagang hindi magkamayaw sa tilian at palakpakan ang mga tao lalo ng JaDine fans?

Sagot ni Nadine, “Wala, kinakabahan talaga ako. ‘Oh, my God, ang daming tao!’

“Talagang kinabahan ako. Kasi iba po talaga yung pakiramdam.”

May mensahe pa si Nadine para sa fans at supporters nila ni James at ng kanilang teleserye lalo na iyong mga pumunta sa Market! Market!.

“Sa lahat ng mga OTWOListas na pumunta rito, maraming-maraming salamat from the bottom of our hearts.

“Thank you po and we love you!”



BIRTHDAY GIFT. Bukod sa surprise birthday cake sa kanya ng OTWOL team, marami na raw siyang natatanggap na pagbati sa Twitter at Instagram mula sa kanyang fans at mga kaibigan. May mga nagpapadala na rin daw ng mga regalo.

Kuwento ni Nadine, “Ang dami nang nagsu-surprise sa akin kaninang umaga pa lang.

“Very grateful kasi that means lahat sila naalala nila yung birthday ko and all, kahit sa Saturday pa talaga yung birthday ko.

“I’m just really happy. I’m also getting flowers and gifts ng mga fans like drawings and everything.”

Dahil nga sa Sabado pa ang birthday ni Nadine ay hindi pa raw niya masasabi ang best birthday gift na natanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero isa raw sa pinakamagandang regalong natanggap niya ay ang malaking success ng On The Wings Of Love, ang kauna-unahang teleserye nila ni James.

“Yes, of course, the success of OTWOL and itong success ng Spread The Love Tour parang malaking birthday gift na po ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN