Beauty Gonzalez on her pregnancy: "I am the happiest girl in the world"

Sa kanyang recent Instagram post, nagpasalamat ang Kapamilya talent na si Beauty Gonzalez sa lahat ng mga naging masaya nang ianunsiyo niya nitong weekend na buntis nga siya.


Matapos mag-post ng kanyang preggy photo si Beauty Gonzalez upang wakasan ang bali-balita kung buntis siya talaga, nag-post ng isa pang photo sa Instagram ang Kapamilya actress nitong Linggo, October 25, tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Read: Beauty Gonzalez posts preggy photo on Instagram

Ang ama ng ipinagbubuntis ni Beauty ay ang art collector na si Norman Crisologo.

Bukod sa pagpapakita ng kanyang baby bump, sa caption ay sinabi ni Beauty kung gaano siya kasaya sa kanyang magiging anak, na isang babae.

Sabi pa ng aktres, "I am the happiest girl in the world and also the luckiest to receive so much love and support from all of you.

"My little blueberry and I feel the love and positive vibes.

"Thank you. What a wonderful world it truly is."

Umugong ang espekulasyong buntis si Beauty nitong September nang magpaalam ito sa ongoing teleserye sa ABS-CBN, ang Ningning.

Sa kabila nito, nanatiling tahimik si Beauty hanggang sa kumpirmahin niya ang kanyang pagbubuntis nang i-post niya ang kanyang baby bump nitong Sabado, October 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN