Amy Perez saddened by major retrenchment in TV5

Naging bahagi ng TV5 si Amy Perez sa loob ng limang taon kaya naman daw nalungkot siya sa balitang maraming talents at empleyado ang naapektuhan sa isinagawang retrenchment sa entertainment department ng istasyon.


Ikinalungkot ni Amy Perez ang nangyaring pagbabago sa entertainment department ng TV5, kung saan siya nanggaling.

Pahayag ng TV host, “Alam mo, nalulungkot din naman ako sa mga nangyayari.

"Kasi kahit naman papa'no, those were the best five years of my life.

"And I’ll always be thankful sa TV5 sa binigay nilang break na yun sa akin.

“At hindi ko yun makakalimutan buong buhay ko. Ipagpapasalamat ko 'yan…

“So, kung ano man mga nangyari somewhere in between, siguro it had to happen because yun ang plano ng Diyos.”

Ilan sa mga naging programa ni Amy sa Kapatid network ay ang Face To Face, Untold Stories Mula Sa Face To Face, Sapul Sa Singko, Ang Latest, at Good Morning Club, bago siya muling bumalik sa ABS-CBN.

Nitong nakaraang Agosto, lumabas ang balitang magkakaroon ng malaking pagbabago sa entertainment department ng Singko.

Read: TV5 reportedly undergoing 'major retrenchment'; offers special voluntary separation program to employees

Sabi pa ng Umagang Kay Ganda host, “Siyempre nakakalungkot [na wala nang shows].

"Kasi ang mga pinag-usapan din natin dun ay yung mga nakatrabaho nating may mga pamilya din.

“At saka may mga sinusuportahan din na mga kapatid, anak.

"Let’s face it, sa industriya natin, kahit na sino ang mawalan ng trabaho, malulungkot naman tayo.

“At kung sino man yung mabibigyan ng trabaho, we’re happy for that person.

"And somehow, kung may mangyari sa industriya natin, kung may mamatay man, or may magkaproblema, tulung-tulong din naman tayong lahat, e, in our own little way.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Amy sa presscon ng iniendorso nitong Strike Multi-Insect Killer, nitong Lunes, October 26, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Amy, malaki ang tulong ng naturang brand kaya naging dengue-free ang kanilang pamamahay sa abot-kayang halaga.



ADOPTING ADI. Masaya naman si Amy, 46, dahil pinuproseso na ang adoption papers ng panganay na anak niyang si Adi para maging legally adopted na ito ng kanyang mister na si Carlo Castillo, 36.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Adi ay anak ni Amy sa una niyang asawa na si Brix Ferraris, na dating bokalista ng bandang South Border.

Sabi ni Amy, “Kaka-start lang namin [dun sa process] actually, pero mabilis.

“Kumbaga, alam naman ng lahat ng tao sa city hall yung istorya namin, so lahat sila very happy sa progress na, ‘Uy, ia-adopt na.’

“So, mabilis lang. Siguro, nakaka-five months na kami.

"Pero sabi nga, one year daw talaga 'yan."

Kailangan pa ba ng approval ni Brix para sa adoption?

Tugon ni Amy, “Hindi na. Kasi si Adi, of age na, kasi 18 na siya, e.”

Kailangan din daw na maging Castillo na ang apelyido ni Adi para maging pantay-pantay sila ng kapatid na si Kyle.

Paliwanag pa ni Amy, “In-explain namin sa kanya na, ‘Adi, ganito, let's say something happens kay Mama or kay Daddy, kayo magkakapatid, may legal kayong pantay-pantay na masasabi inyong-inyo.

“So, happy naman si Adi dahil mahal na mahal siya ng daddy [Carlo] niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN