Ina Raymundo accepts apology of a basher

FHM November 2015 cover girl Ina Raymundo on dealing with bashers: "You know, the best thing you can do is block that person, don’t even reply. Pero minsan kasi, parang gusto mo mag-reply, hindi para gumanti ka, but you feel like you have the right to reply. Basta do it in a classy way and also block that person."


Itinuturing ni Ina Raymundo na regalo para sa kanyang 40th birthday ang pagpayag niyang mag-pictorial sa men's magazine na FHM.

Ito ang unang pagkakataong nag-pictorial si Ina para sa nangungunang men's magazine sa Pilipinas.

Sa kanyang panayam para sa PEPtalk, bukod sa kanyang sexy shoot para sa FHM, ay napagkuwentuhan din ang kanyang buhay bilang ina sa limang anak nila ng mister niyang si Brian Poturnak.

Napag-usapan din ang sikreto sa pagpapanatili ng kanyang sexy body.

Naging bukas din si Ina sa pagkuwento tungkol sa isang basher na pinatulan niya sa kanyang Instagram noong nakaraang taon.

Matatandaang umani ng pambabatikos mula sa ilang Instagram followers ang isang picture ni Ina, kung saan kita ang kanyang kili-kili.

Read: Ina Raymundo hits back at bashers: “Patingin ng mga kili-kili n'yo!”

Sabi ni Ina, “I enjoyed it actually.

"I gained 60,000 followers, it was a blessing in disguise.

"No, seriously, nakita ko padami nang padami yung followers ko, nakakaloka!

"Hindi ako na-upset sa nangyari na yun, kabaliktaran.

"Natuwa ako actually kasi dumami followers ko... thank you, thank you."

Imbes na mainis si Ina ay ikinatuwa na lang daw niya ang pagdami ng kanyang followers.

Kaya naman hindi maiwasan ni Ina na maikumpara ang kanyang karanasan noong '90s.

Kuwento niya, “Wala namang ganyan noong '90s, di ba?

“Wala yung malalman mo na may magko-comment sa ‘yo na ganyan ka.

"It’s really harder now, you have to be tough."

Ano ba ang nagyari sa basher ni Ina na hinamon niya sa Instagram?

“Actually, dineactivate niya yung account niya.

“Kasi, siya yung na-bash.

"Sobrang naawa ako sa kanya, kasi bata pa pala siya, tapos nag-sorry siya sa akin.

"Kaya sabi ko, ‘It’s okay, don’t worry,’ kaya okay kami.

“Nag-sorry siya, nag-sorry siya. Pero yung isa, deadma.”

Ano naman ang mabibigay niyang advice sa teen stars ngayon na nagiging biktima ng bashers sa social media?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ina, “Alam mo, be strong.

"It’s a normal reaction na ma-upset ka, kasi ako naa-upset din ako pag may comment na negative.

"But it will only last for a few minutes, after that, move on na.

“You know, the best thing you can do is block that person, don’t even reply.

"Pero minsan kasi, parang gusto mo mag-reply, hindi para gumanti ka, but you feel like you have the right to reply.

"Basta do it in a classy way and also block that person."

Abangan ang #InaRaymundoOnPEPtalk sa October 28 na!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN