Mike Tan on Alden Richards's current success: "He deserves it, he’s a good guy."

Mike Tan on being an aquathlon: "Swimming lang kasi akong talaga, e, yung mga kasama ko, sabi nila, 'Tara, subukan natin ang aquathlon, plus running.' So, sige, tumatakbo naman ako, pero usually sa gym lang or kapag nagkayayaan lang or kung may invitation, tatakbo ako. Pero never ko pang nagawa yung official na tumatakbo ako dahil gusto ko. Kumbaga, ako na yung nagbabayad para tumakbo.”


Naniniwala si Mike Tan na hindi dapat ikumpara ang kasamahan niya sa GMA Network na si Alden Richards sa ibang mga nanggaling sa reality-based artista search na StarStruck o kahit na sino pang artista.

Si Mike ang itinanghal na Ultimate Male Survivor sa Season 2 ng StarStruck.

Samantalang si Alden naman ay nag-audition noong Season 5 ngunit hanggang Top 60 lamang ang inabot.

Sa presscon ng ng pelikulang kinabibilangan ni Mike, ang No Boyufriend Since Birth, ay tinanong ang aktor kung ano ang masasabi niya sa popularidad ngayon ni Alden.

Tugon niya, “I have nothing against Alden, ha, Alden is my friend. He’s a good man.

“Pero honestly, mas marami... sabihin na nating maraming artista na hindi nagdaan sa StarStruck na nasa posisyon nila ngayon.

“Hindi nila puwedeng i-compare kung anuman ang gusto nilang i-compare.

“Sasabihin nila, si Alden hindi nakapasok sa StarStruck, yun ang nangyari sa kanya.

“Pero ngayon, nandito siya ngayon, at yun ang dapat na tinitingnan natin, iniintindi natin, hindi yung past niya.

“Kumbaga, noon siguro, hindi siya okey sa StarStruck. Pero ngayon, fully developed na siya.

“Ayan na siya ngayon, namamamayagpag na siya ngayon, di ba?

“Kung anuman ang meron siya ngayon, he deserves it, he’s a good guy.

“He’s a working man at kung anuman ang mayroon siya, pinaghihirapan niya yun ngayon.”

Kailan lang ay nakasama ni Mike sa acting challenges ang bagong Starstruck hopefuls, kung saan nahampas daw siya ng bote sa isa sa mga challenge.

Pero sabi niya, “Ganun talaga, part ng challenge.”

Ano naman ang masasabi niya sa bagong batch ng StarStruck?

Sagot ni Mike, “Siguro nakikita ko lang din ang sarili ko sa kanila.

“Marami silang pagbabago na hindi namin naramdaman noon, hindi namin pinagdaanan bago dumating sa mga challenges.”

AQUATHLON. Kapansin-pansin naman ang magandang pangangatawan ni Mike ngayon.

Ang dahilan daw nito ay ang pagsali ng aktor sa aquathlon, isang athletic activity involving swmming and running.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na raw siyang nagsu-swimming pero hindi pa siya gaanong ka-consistent sa running.

“Yung next competition ko, 500 meters lang naman ang swim, pero five kilometers ang takbo.

“Nakaisa na ako ng competition at ang next ko, sa November 22.”

Sa buong compound daw ng La Salle Zobel ang una niyang competition at ang susunod ay sa Ultra.

“Hindi ko lang sure kung yung takbo, sa oval lang or sa labas.

"Medyo nakakainip kasi kapag sa oval, paikot-ikot lang.

"E, doon din ako nagti-train."

Paano siya nahilig sa aquathlon?

"Swimming lang kasi akong talaga, e, yung mga kasama ko, sabi nila, 'Tara, subukan natin ang aquathlon, plus running.'

“So, sige, tumatakbo naman ako, pero usually sa gym lang or kapag nagkayayaan lang or kung may invitation, tatakbo ako.

“Pero never ko pang nagawa yung official na tumatakbo ako dahil gusto ko.

“Kumbaga, ako na yung nagbabayad para tumakbo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN