Gov. Vilma Santos reveals reason for rejecting offer to run for vice president

Vilma Santos on seeking a local government post again: "Dalawa na kami ni Senador [Ralph Recto, her husband]. Dalawa na kaming magna-nasyonal. Wala nang tatao sa bahay. Hindi ako nagbibiro. Kasi kapag pinag-usapan, ako kasi lokal, e. I’m taking care of a bigger family which is Batangas. Si Ralph, is national."


Ipinaliwanag ni Batangas Governor Vilma Santos ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang alok na maging running mate ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas sa 2016 elections.

“Alam mo, yun ang ano rin, e, malaking pasasalamat ko.

“Siguro kunin ko na ang pagkakataon sa lahat ng nagbigay ng positive remarks, [gaya] sila Imee [Marcos, governor ng Ilocos Norte].

“Maski nga si Congresswoman Leni [Robredo, na napiling running mate ni Roxas], di ba, nung ininterbyu, [nagsabing] ‘Hindi, si Governor Vi ang merong malaking ano sa executive.’

“Maski siya, yun ang sinasabi niya… maski sila Mar.

“Masarap lang sa pakiramdam.

“Kasi sa totoo lang, alam ninyo na sakripisyo sa buhay ko, sa show business [ang pulitika].

“Minsan, mga Vilmanians nga, nagagalit pa, ‘Sana mag-artista na lang siya. Bakit hindi ginawa ni Ate Vi yung ganoong pelikula?'

“Hindi nga ganoon kadali, e.

"Kasi priority ko, Batangas. Totoong buhay ito, e."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi sa mismong tanggapan niya sa Kapitolyo ng Batangas.

POLITICS AND SHOWBIZ. Inamin ni Vilma na mahirap pagsabayin ang pulitika at paggawa ng pelikula.

“Hindi ko kakayanin, physically, because ang time ko is Batangas.

“Ngayon, kung may konting leeway at okey na, humihingi ako ng permiso, ‘Puwede ba maka-raket ng isang pelikula naman?’

“Na pumapayag ang mga Batangueño.

“So ngayon, yung point ko, para masabihan ka na 'siya ang nararapat, qualified siya diyan,' dyusko, napakalaking bayad na yun para sa akin.

“Kasi yung 18 taon na pinagkatiwalaan ako ng Batangas, 18 years is no joke, huh.

“Next year, 18 years na.

"Nine years bilang mayor... first woman na mayor at first woman na governor ng Batangas.

“Ibig kong sabihin, first woman mayor, first woman governor, para ipagkatiwala yun ng Batangueño, hindi ka ba tatanaw ng utang na loob diyan?

“Kaya ngayon, noong in-offer itong posisyon na vice president, salamat. Talagang maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi yun ang ambisyon ko. Hindi yun ang focus ko.

“Dahil ang focus ko is payback time sa Batangueños. Naka-ready ang utak ko na local [government] ako.

“At kung meron man, ga-graduate na ako bilang governor, gusto kong payback time sa mga Lipeños as congresswoman.

"Kasi, lalo na lone district, isa lang ‘to," pagtukoy niya sa Lipa City, kung saan tatakbo siya sa 2016 bilang congresswoman.

Patuloy ni Vilma, “Alam kong maraming-maraming, lalo na kung manalo rin si Senador [Ralph Recto, her husband].

“And then, makakahingi ako ng tulong sa national, yung mga batas na puwede kong ilaban na pampatibay ng kababaihan at kabataan.

“Anything that concerns women and children, e.

“Plus, siguro kaya kong anything na may issues tungkol sa mga local government units.

"Doon ako lumaki, e. Alam ko ang mga pangangailangan ng lokal, e.

"Kaya yun ang ilalaban ko doon dahil ako mismo, naka-experience nito.

“Kaya yun ang kaya kong ipaglaban para mas tumibay ang tulong sa mga kababaihan at kabataan.

"At anything concerning LGUs [local government units], kaya kong itayo, kasi yun ang eksperiyensa ko ng 18 taon.

“Ano ang kailangan ng mga probinsiya, di ba? Ano ang kailangan ng mga fifth-class municipalities?

“Bigyan ninyo kami ng ospital... So, alam ko ang mga issues na ‘to.

“Alam kong marami pa akong maitutulong sa Lipa, dahil yun ang unang nagtiwala sa akin.”

HEAVY WORK. Sinabi ni Vilma na napakatindi ang trabaho ng vice president ng bansa.

“Kaya kung sasabihin nila na qualified [ako] maging VP, vice president is 24/7, ten days a week ang trabaho niyan.

“Kahit na 3 o’clock in the morning at kinailangan ka niyan, merong hindi kayang puntahan ng presidente, ikaw ang pupunta.

“Papa'no kung merong kailangan ang mga anak ko?

“Saka, unang-una, eto ang importante, dalawa na kami ni Senador. Dalawa na kaming magna-national. Wala nang tatao sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagbibiro... kasi kapag pinag-usapan, ako kasi lokal, e.

"I’m taking care of a bigger family, which is Batangas.

“Si Ralph is national.

“Isipin mo na kaming dalawa na national, all over, kapag kinailangan ka, kailangan nandoon ka.

“May anak pa ako na kailangan ako, di ba?

“Yun ang hindi ko puwedeng isakripisyo.

“Although, hindi ko ipinagkakait yung kaya kong magawa, pero magiging unfair ako sa magtitiwala sa akin kung hindi ako makaka-deliver, di ba?

“Dahil halimbawa, huwag naman ipahintulot, may sakit ang anak mo. E, kailangan ka doon?

“Aba, e, hindi ko iiwan ang anak ko!

"Hindi ako makakapunta sa binabagyo kasi kailangan ako ng anak ko rito, e. Hindi ba?

“O hindi ako magiging effective. Magiging unfair ako.

“That’s why I said... ngayon ko lang ipinapaliwanag ito, ha, kung bakit.

“Marami ang nagsasabi kasi, ‘Bakit hindi mo tinanggap?’

“Ngayon ko lang sinabi sa inyo kung bakit hindi ko na-consider ang offer na mag-vice president ako.

“So, I hope Filipinos will understand.

"Kasi whether we like it or not, family is the most important unit in our society.

“Papa'no ka magsisilbi sa iba kung ikaw hindi mo mapagsilbihan ang sarili mong pamilya?

“Tapos, paano mo sila sasabihan?

“Yung iba [sasabihin], e, ‘Ikaw, pariwara ka rin sa pamilya mo.’

“Kinukuha ko ang inspirasyon ko sa pamilya ko kaya siguro kahit paaano, modesty aside, nagiging epektibo yung serbisyo ko sa iba.

"Kasi this is a bigger family."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN