(UPDATED) Viva to take legal action against Bohol promoter over 'JaDine show'

Viva Artists Agency: "For the record, Viva Artists Agency, Inc., as the exclusive agent and manager of James and Nadine, has not heard of and has never dealt with Vantage International Bohol."


Naglabas ng official statement ang Viva Artists Agency (VAA) tungkol sa Vantage International Bohol, ang concert promoter sa Bohol na ginamit ang pangalan nina James Reid at Nadine Lustre para sa isang show na ginanap sa Bohol Wisdom Gym noong October 23, 2015.

Hinintay ng mga Boholano ang pagdating nina James at Nadine, pero no show ang dalawa dahil walang nangyaring negosasyon sa pagitan ng Vantage International Bohol at ng VAA.

Tiniyak ng VAA sa official statement na magsasampa sila ng legal case laban sa Vantage International Bohol dahil sa misrepresentation na ginawa kina Nadine at James ng nasabing promoter.

Narito ang kabuuang statement ng VAA:

“A concert billed as 'The Big Event featuring James Reid and Nadine Lustre' was held in Bohol Wisdom Gym last October 23, 2015 (the ‘Event’).

“The promoter, Vantage International Bohol (‘Vantage’), offered excuses to the concertgoers about James and Nadine’s absence at the event.

“In lieu of the concert, Vantage committed that all ticketholders will be allowed to attend a three (3) hours fans’ day with James and Nadine, wherein fans will be allowed to take pictures and secure autographs of the artists.

“For the record, Viva Artists Agency, Inc. (‘VAA’), as the exclusive agent and manager of James and Nadine, has not heard of and has never dealt with Vantage International Bohol.

“VAA has not entered into any contract or agreement with Vantage for any appearance or performance of our artists for any event.

“Any claims made by Vantage pertaining to any association with VAA, James or Nadine have no factual basis.

“There is no truth to Vantage’s representation to the public—no booking was ever made for James Reid and Nadine Lustre to appear in the Event, neither is there any booking made by Vantage for a supposed three (3)-hour fans’ day with James and Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“James and Nadine deeply appreciate the love and support shown by their fans in all their endeavours, including concerts. It is disappointing that their names and popularity were taken advantage of at the expense of their Boholano fans.

“VAA has taken legal steps to address the misrepresentation committed against the public.”

VANTAGE EXPLAINS. Ilang oras matapos i-upload ng PEP ang balita tungkol sa plano ng Viva Artists Agency na sampahan ng legal action ang show promoter na Vantage International Bohol, lumitaw ang video ng isang unidentified male representative ng Vantage na nagpaliwanag sa mga nagagalit na fans tungkol sa hindi pagsipot nina James at Nadine sa 'concert' nila sa Bohol Wisdom Gym.


Ang mga 'kasinungalingan' na sinabi ng Vantage representative sa mga biktima na bumili ng tickets para sa pekeng concert nina James at Nadine ang lalong nagpatibay sa desisyon ng VAA na maghain ng reklamo.


Pinalabas ng Vantage representative sa paliwanag nitong sina James at Nadine ang may kasalanan sa cancellation ng concert, kahit hindi sila nagkaroon ng negosasyon sa VAA.


Sa naturang video, nangako ang Vantage representative na itutuloy pa rin nila ang fans day nina Nadine at James, kapalit ng nabulilyaso na show noong Biyernes.


Narito ang pahayag ng Vantage representative:


"Actually, kaninang 4 P.M., I think one of the sponsors here, yung Nissan, sila po yung sasakyan sana ng artista. Pumunta kami sa airport.


"Hindi sila [James and Nadine] po nakasakay sa last flight kasi nag-shooting sila, hindi nila naabot.


"Yun po ang bad news natin kaya ang ginawa po namin, nag-rebook kami from Manila going to Cebu, Cebu to Tubigon, then Tubigon to here to Bohol. Pero wala, e.


"Ang problema po, hindi pumayag yung nanay ng artista, kasi po masyado daw hassle yung biyahe at saka napakaraming stop.


"Kaya ang gagawin po namin, if you want to refund, magbibigay po kami ng refund on Monday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ibibigay ko po sa inyo yung complete address kung saan kayo magre-refund.


"So, kung gusto niyo po, sino po yung totoong fan ni James Reid at saka ni Nadine?


"Okey, kung gusto niyo po na makita talaga sila dito sa Bohol, we will schedule a fans day with James Reid and Nadine.


"Walang ibang program, walang ibang front act, walang banda contract, walang ibang ganoon, sila lang for three hours.


"They will come here, they will sign autographs.


"Make sure lang po na iki-keep niyo ang ticket niyo kasi po dito pa rin natin ‘yon gagawin, tapos magpapa-picture po kayo.


"Alam niyo, nandito naman po ang mga sponsors, nandito sila sa harap.


"Hindi po ako gumagawa ng istorya kasi po nandito sila kanina.


"Pumunta sila dito kanina para po salubungin talaga ang mga artista. Pumunta sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN