Elmo Magalona harbours no ill feeling towards GMA-7 for breaking love team with Janine Gutierrez

Elmo Magalona on gilfriend Janine Gutierrez's new show Dangwa: "Hindi ko napanood pero nakita sa Twitter and everyone’s talking about it. Nag-trending pa, super trending. Ang bilis kasi ng segments e, sana nga mas mahaba siya e."


Wala raw tampo si Elmo Magalona sa GMA Network matapos mabuwag ang love team nila ng girlfriend na si Janine Gutierrez.

Kasalukuyang nagbibida si Janine sa bagong morning drama series ng Kapuso network na Dangwa, kung saan katambal nito sina Mark Herras at Aljur Abrenica.

Ang huling proyekto namang pinagsamahan nina Elmo at Janine bilang magkatambal ay ang primetime series na More Than Words.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Elmo sa contract signing niya sa Universal Records nitong Lunes, October 26, nilinaw niyang hindi siya nagtatampo sa Kapuso network dahil sa pagkakabuwag ng tambalan nila ni Janine.

“Everyone’s thinking na ganun, pero it’s something na there’s a plan lagi kung bakit ganun yung nangyari.

“And ako, I’m just really happy na meron siyang project right now and tuluy-tuloy yung projects ni Janine.

"Ako, like, I don’t want to be sitting lang on nothing.

“So ngayon, that’s why parang it’s the right time din to make a project, like an album or my own music, so that I have something to do.”

Gaya ng suportang nakuha ni Elmo mula kay Janine, ito rin daw ang buong-puso niyang ibibigay sa girlfriend para sa proyektong ginagawa nito.

Pahayag ni Elmo, “Pati naman ako, nung nagkaroon ako ng ibang... hindi naman siya team-up, pero nagkaroon ako ng ibang project without Janine.

“Na parang ako, naging uncomfortable din ako and parang hindi ko alam kung magwo-work.

“Narinig ko naman na she’s supporting me.

"So, nung ginawa ko yung project na yun, parang at ease ako nun.

"And yun din ang same thing na sinasabi ko sa kanya dito sa Dangwa, na I’m full on supporting her.”

Hindi man napanood ni Elmo ang unang episode ng Dangwa, masaya raw siya para kay Janine dahil maganda ang naging reaksiyon ng mga tao rito at nag-trending pa sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko napanood pero nakita sa Twitter and everyone’s talking about it.

“Nag-trending pa, super trending.

"Ang bilis kasi ng segments, e, sana nga mas mahaba siya, e.

“Sabi ni Janine sa akin na parang ilang commercial segments lang natapos na yung show.

“So, nakakabitin siya, sana mas mahaba siya.”



UPCOMING ALBUM. Gaya ng nabanggit, pumirma na ng kontrata sa Universal Records si Elmo.

Ito ang unang beses na maglalabas ng kanyang sariling album ang anak ng Master Rapper na si Francis Magalona.

Bakit nga ba siya natagalang gumawa ng album?

Sagot ni Elmo, “Kasi very perfectionist akong tao.

"Gusto ko sana as close to perfect as possible yung magawa ko. That’s why I’ve been waiting din.

“Ayoko kasi maglabas ng something na hindi ko siya matatandaan forever.

“Gusto ko siyang mag-leave ng mark para sa akin.”

Bukod dito, nararamdaman din ni Elmo na ito na ang tamang panahon para maglabas siya ng sariling album.

“Kasi I’ve actually been talking to Universal for a long time na... not naman super long, but like a year na.

“Tapos, yun lagi kong iniisip kung ready na ako maglabas ng album.

“Now, I think’t it’s the right time to like make a project with a company, like Universal.”

Sa ngayon, hindi pa plantsado kung kailan ilalabas ang full album ni Elmo at ang iba pang detalye tungkol dito.

Ngunit ayon sa managing director ng Universal Records na si Kathleen Dy-Go, isang digital single ang nakatakdang ilabas nila bago matapos ang taon.

Dagdag naman ni Elmo, “It’s gonna be done like pakonti-konti muna. There are lots of ideas coming in.”

Isa sa inaabangan ng fans ni Elmo ay kung magkakaroon siya ng collaboration sa ibang musicians.

Ngunit aniya, “Marami akong ideas na nakukuha na sana maka-collab ko ito, pero gusto ko sana mag-focus muna sa mga ideas kong mapapasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para siyempre, makilala rin nila ako for my music ‘tsaka marinig din ng tao kung ano yung ideas ko.

“And then, later on, hopefully, magkaroon din ako ng collabs with different artists also.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN