Pokwang blasts intrigues that boyfriend Lee O'Brian is a deadbeat: "What the heck? Isipin niyo kung ano ang isipin niyo!"

Pokwang to her detractors: “Hindi kami humihingi sa inyo pambili ng gasolina o pambayad sa kuryente. Ang hinihingi ko lang sa inyo ay maging masaya kayo dahil iba yung masaya ka na ipinagdasal mo."


Sumama ang loob ni Pokwang sa mga pahiwatig na siya ang bumubuhay sa kanyang American boyfriend na si Lee O' Brian habang ito ay nasa Pilipinas.

"Hindi totoo 'yan!” bulalas ng Kapamilya comedienne.

Pansamantalang nasa Amerika si Lee, pero bago umalis ay nagpahayag ito ng intensiyong permanenteng manirahan dito sa Pilipinas pagbalik niya para raw makapiling ang komedyana.

Mas lalo namang inintriga ng mga tao ang relasyon ng dalawa.

Saad ni Pokwang, "In all fairness naman sa kanya, sa nakita ko sa pagkatao niya, mapursige naman siya, e.

"Pursigidong tao, masinop, masipag, mabait, ang galing makisama.

"Sobrang galing niyang... ganun talaga kapag nagmamahal ka, di ba, adjust ka talaga.

"Yun ang nakita ko sa kanya, dami niyang gustong matutunan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang presscon ng pelikulang Wang Fam sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas, noong nakaraang linggo.

SUGAR MOMMA, NOT. Ayaw na raw intindihin ni Pokwang ang mga paratang na ito sa kanya.

Ang mahalaga raw ay masaya silang magkasama at tanggap ng kanyang pamilya ang relasyon nila ni Lee.

Pahayag pa niya, "Minsan sa buhay natin, hindi maiiwasang maiisyu ka na ganun, 'no.

"Alam mo naman kasi, may mga mentalidad na ganun, e.

"Kumbaga, hindi mo naman sila nakikita araw-araw, hindi mo naman sila...

"So, what the heck? Isipin niyo kung ano ang isipin niyo!

"Basta masaya kami at hindi namin kayo inaapakan.

“Hindi kami humihingi sa inyo pambili ng gasolina o pambayad sa kuryente.

"Ang hinihingi ko lang sa inyo ay maging masaya kayo dahil iba yung masaya ka na ipinagdasal mo."

LIFE WITH LEE. Ibinahagi rin ni Pokwang ang mga pagbabago sa kanilang buhay sa ilang buwang pagsasama nila ni Lee sa kanyang bahay.

Nakangiting sabi ni Pokwang, "Ano, marami-rami na, marunong na siyang mag-Tagalog, in fairness.

"Medyo nag-gain siya ng weight, kasalanan ko, kasi luto lang nang luto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, kahit ano ang ipakain mo, walang reklamo; wala sa kanya yung... basta curious lagi siya, e.

"Walang masamang tinapay sa kanya, sobrang bait na tao."

Bukas din si Pokwang sa pagsasabing kaya niya gustong magkaroon ng anak na foreigner dahil sa pangarap niyang magkaroon ng blue-eyed baby.

Tila lumalabas na ginagamit lang niya ang American boyfriend para makamit ang kanyang dream child.

Kontra ni Pokwang, “No! Alam niya 'yan, alam niya kung gaano niya ako napapasaya.

"Wala yun sa kanya, sa totoo lang, masaya siya sa desisyon nito na dito na manirahan sa ating bansa.

"Nagulat lang din ako dun, pero masaya lang, siyempre masaya ako.

"Pero sinabi ko nga sa kanya na kahit saan kami mapadpad, basta masaya lang, keri na.

"Tayo namang mga tao, kahit sino naman sa atin ay nangarap na lahat tayo ay masaya.

“At lagi, pero hindi naman ganun ang buhay, meron tayong ups and downs."

Ano ngayon ang plano nila matapos malaglag ang dapat sana'y unang supling nila?

Pabirong sagot ni Pokwang, "Heto, tinatrabaho ulit!

"Pero hindi, kung sakaling mabuo ulit, itatali ko na.

"Igu-glue ko na!" natatawang sabi pa niya.

Pero dahil nga sa pangyayaring ito sa kanyang buhay ay hindi maiwasang maiyak ni Pokwang sa presscon proper ng Wang Fam habang nagpapasalamat siya sa co-stars niya.

Isa sa dahilan kung bakit siya nakunan noon ay dahil sa paglalagare niya sa taping ng teleseryeng Nathaniel at pagsu-shooting ng pelikulang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN