Vina Morales writes "truth will prevail" hashtag on Instagram post

Hindi pa rin nagsasalita ang Kapamilya singer-actress na si Vina Morales tungkol sa mga ibinabatong akusasyon laban sa kanya ni Avi Siwa, ang dating live-in partner ng nobyo niya ngayong si Marc Lambert.


Nananatiling tikom ang bibig ng Kapamilya singer-actress na si Vina Morales sa mga patutsada laban sa kanya ng TV host-model na si Avi Siwa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Avi Siwa accuses Vina Morales of preventing French ex-boyfriend to visit their baby

Sa Instagram posts lately ni Avi, may mga kasama itong hashtags na "HOMEWRECKER @vina_morales #firsttwocomments #vinanomorals #insecuremuch #howdareyou #etiquetteforhomewreckers #enjoykarma"


#TRUTHWILLPREVAIL. Sa post naman ni Vina ngayong araw, October 28, hindi man nito tinukoy kung sino ang kanyang pinatatamaan, sinabi ng followers ng Kapamilya star na patama ito kay Avi.

Nakalagay sa post: “As long as there is SOMEONE in the sky to protect me, there is NO ONE on earth who could break me.”

Sa caption, sinabi ni Vina, “MyProtector #MyShield #TruthWillPrevail God is great all the time ❤️🙏😊 I'm wishing all of you my IG family a day full of love , God is with us 😊"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN