Pauleen Luna on Maine Mendoza: "Hindi siya aware sa level ng popularity niya."

Pauleen Luna on Alden Richards and Maine Mendoza: “Hayaan natin sila maging friends. And, you know, take it from there. Of course, we don’t want to pressure them. Dapat kusa ‘yan mangyari, siyempre dapat maging friends muna sila. Nagkakahiyaan pa sila, e.”


Sa studio ng photographer na si Edward dela Cuesta sa may Roces Avenue, Quezon City, ginawa ang pictorial para sa pelikulang My Bebe Love (#kiligpamore) noong Lunes, October 26.

Tampok sa 2015 Metro Manila Film Festival entry na ito sina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, at ang sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza o ang AlDub.

Kinabukasan naman, October 27, ay ang fiancée ni Bossing Vic na si Pauleen Luna ang nag-pictorial sa studio ni Edward.

Ito ay para sa renewal ng endorsement niya sa Aficionado Germany Perfume ni Joel Cruz.

Napag-usapan doon ang pictorial ng cast ng My Bebe Love na dinagsa rin ng mga fans.

Ayon kay Edward, nagdala kasi ng mga kaibigan at kamag-anak ang ilang staff para makapagpa-picture lang kina Alden at Maine.

BTs #mybebelove @mainedcm @aldenrichards02 ❤️😊�"� #aldubnation

A photo posted by Edward Wyatt Dela Cuesta (@edwarddc88) onOct 28, 2015 at 5:01am PDT

Naibahagi ni Edward sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang experience nang i-pictorial niya ang sikat na love team.

Namangha raw siya sa pagiging simple ni Maine at napakatahimik lang daw nito sa studio.

“Maganda siya. Habang tumatagal, gumaganda siya,” puri ni Edward kay Yaya Dub.



PAULEEN IS ALSO AN ALDUB FAN. Nakausap din ng PEP si Pauleen at nagpahayag siya ng paghanga kay Maine at sa tambalang AlDub.

Sabi ng Eat Bulaga! co-host, “I was always a fan of AlDub.

“Parang Day 1 [July 16, 2015] absent ako, e. Day 2 pa lang, naging fan na talaga ako ng AlDub.”

Ikinuwento rin ni Pauleen ang naging karanasan niya sa “Tamang Panahon” concert ng AlDub sa Eat Bulaga! noong Sabado, October 24, sa Philippine Arena.

“Nung Sabado, hindi ko kinonsider na parte ako ng show.

“Umupo ako dun at nag-enjoy talaga ako as a fan.

“As in, the entire time, ang mga tao nasa dressing room, ako nasa harap. Nakaupo ako sa sahig.

“In-enjoy ko siya, nakiiyak ako, nakitawa ako.

“Kasi minsan lang ‘to mangyayari, e. So, might as well enjoy it nang buung-buo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi puwede ko naman mapanood sa loob, sa monitor, pero hindi, gusto ko talaga marinig at maramdaman ang mga tili ng mga tao.

“Gusto ko makitili, makiiyak, makitawa.”

Dagdag pa ni Pauleen, “We’re so proud of AlDub and the three lolas [Wally Bayola, Jose Manalo, and Paolo Ballesteros].

“Kasi, parang umangat talaga yung Kalyeserye portion, e…

“Hindi lang siya nakilala sa Philippines, pati sa ibang bansa.

“Even executives from Twitter, pumunta sila dito sa Pilipinas, nanonood sila.

“They wanna check out kung ano ba talaga yung kaguluhang ito. Bakit ang daming tweets about AlDub.

“The fact na nakakakuha tayo ng atensiyon sa hindi natin kalahi, ang sarap ng pakiramdam.

“Kami, we’re very proud of them.”



MAINE UNAWARE OF HER POPULARITY. Ang isa pang ikinatutuwa nila nang husto sa sikat na loveteam, lalo na kay Maine, wala raw nabago at ganun pa rin daw na mahiyain at tahimik lang.

Hindi raw ito aware na sobra na siyang sikat.

Sabi ni Pauleen, “Hindi siya aware sa mga nangyayari.

“Hindi siya aware sa level ng popularity niya, which I would like to believe is a very good thing, that would keep her grounded.

“Nakakaaliw lang kasi ang layo na ng narating niya, but she’s not even aware of it.”

Kaya nandiyan daw ang suporta nila kay Maine at willing si Pauleen na umalalay para lalong mahasa ang hosting skills ng 20-anyos na Bulakenya.

“Masasanay din siya for sure.

“Kasi halos lahat naman kami, nung nagsimula sa Eat Bulaga, hindi naman talaga ganun kahasa, e.

“But eventually, you’ll get the hang of it.

“At one thing is for sure, ang mga tao sa Eat Bulaga, magaling mag-alalay, magaling sumuporta, at tumutulong.

“Kasi wala namang kumpitensiya sa amin, e. Lahat kami tulungan.

“Kaya eventually, masasanay din si Maine, and I’m very confident,” pahayag ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO PRESSURE. Pagdating sa love team nina Alden at Maine, hindi na raw sumasali si Pauleen sa mga tumutukso sa dalawa.

“Hindi pa ba enough yung tinutukso sila sa TV?” nakangiting sabi niya.

“Sa personal, hayaan na natin sila. Hayaan natin sila maging friends.

“And, you know, take it from there.

“Of course, we don’t want to pressure them.

“Dapat kusa ‘yan mangyari, siyempre dapat maging friends muna sila.

“Nagkakahiyaan pa sila, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN