Vice Ganda, Joey de Leon react to their bashers and haters

Nag-tweet sina Vice Ganda at Joey de Leon bilang reaksiyon sa kanilang bashers at haters sa social media.


Parehong idinaan nina Vice Ganda at Joey de Leon sa social media ang banat nila sa kanilang bashers.

Naging maugong kamakailan ang dalawang komedyante, na mula sa magkatapat na noontime shows sa magkalabang TV networks, dahil sa kinasangkutan nilang isyu.

Nitong Sabado, October 24, sa kabila ng pag-amin ni Vice na hindi matatalo ng kanilang ABS-CBN program na It’s Showtime ang kalabang Eat Bulaga! sa GMA Network, pinuna pa rin ng ilang netizens ang ginawa niya.

Read: It's Showtime host Vice Ganda concedes defeat to Eat Bulaga: “Hindi namin matatalo 'yan.”

Binatikos sa social media ang Kapamilya star at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya; kagaya ng “plastic,” “bakla,” "nakakarma," at marami pang iba.

Sa kabilang banda, may mga pumuna rin kay Joey dahil sa kanyang recent tweets tungkol sa “kabayo.”

Wala mang binanggit na pangalan, inisip ng ibang netizens na ang pinapasaringan ng Eat Bulaga! host ay si Vice.

Read: Joey de Leon tweets about “kabayo”; netizens claim he is referring to Vice Ganda

VICE AND JOEY TWEETS. Miyerkules ng gabi, October 28, nag-tweet si Vice tungkol sa mga taong nagsasalita ng masama tungkol sa kanya.

Aniya: “People send me bad messages through their words. God sends me good messages through his blessings.”

People send me bad messages through their words. God sends me good messages through his blessings. 😍😍😍

— jose marie viceral (@vicegandako) October 28, 2015

May mga bumatikos man kay Vice sa nasabing tweet na ito, nagpahayag naman ng words of encouragement ang kanyang mga tagasuporta.

Si Joey naman ay na-“bad trip” daw sa mga pumuna sa kanya, kaugnay ng diumano’y tweets niya laban kay Vice.

Sa kanyang tweet ngayong Huwebes, October 29, idinaan na lang sa biro ng entertainment guru ang sagot niya sa bashers.

“Yun mga Haters, bashers, deep shit, este defenders NO Trick or Treat, puro BAD TRIP! Puro kayo MURA, magMAHAL naman kayo!”

Yun mga Haters, bashers, deep shit, este defenders NO Trick or Treat, puro BAD TRIP! Puro kayo MURA, magMAHAL naman kayo!#ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Ilang tweets pa ang ginawa ni Joey na may halong biro sa bashers niya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag talo manok mo wag magalit dun sa nanalo. Tumaya ka eh! Eh di lumipat at tumaya ka samin, este saminananalong manok! #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Sa mga may galit at sama ng loob, hindi pa huli ang lahat...kayo lang. #ALDUB15thWeeksary

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) October 29, 2015

Gayunpaman, may ilan ding nagpahayag ng kanilang suporta kay Joey via Twitter pa rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN