Sam Concepcion on ex-girlfriend Jasmine Curtis-Smith: "I guess we’re happy and we’re still good friends."

Sam Concepcion on ex-girlfriend Jasmine Curtis-Smith: “I think there’s more kasi than putting a label on a relationship. But as far as we’re concerned, I guess we’re happy and we’re still good friends."


Nag-uusap pa rin sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith kahit ilang buwan na silang break.

Kaya’t alam daw nila kung anuman ang mga magagandang nangyayari sa career ng bawat isa.

“She remained very supportive up to this day and I do the same para sa kanya," sabi ni Sam nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Alphaland Makati Place, Makati City, noong October 26, pagkatapos ng pictorial niya bilang isa sa mga bagong celebrity endorser ng Calayan SurgiCentre.

Nakita na raw ni Sam ang sexy cover ni Jasmine sa Esquire magazine ngayong Oktubre.

Ni-like pa nga raw ng Kapamilya singer-actor ang post ni Jasmine sa Instagram tungkol dito.

“Yeah, I did, of course. I like it, it’s nice,” pag-amin ni Sam.

Hiningi ba ni Jasmine ang permiso ni Sam na gawin ang sexy cover shoot?

Sagot ng Your Face Sounds Familiar celebrity contestant, “Hindi naman.

“Kahit noong dati pa, we made sure na yung career namin is different from our personal lives.

"Hindi ko naman masasabi sa kanya kung ano ang puwede at hindi niya puwedeng gawin.

"Hindi rin naman siya ganun."

Nabanggit ni Sam na may Viber group sila ni Jasmine kaya’t doon pa lang ay nai-share na ng Kapatid star ang ginawa nitong cover shoot para sa Esquire.

“Yes, hindi naman kasi siya naging problema even afterwards.

“Minsan lang talaga, merong nangyayari in a relationship that somehow doesn’t fit sa mga circumstances na nangyayari ngayon.

“But that doesn’t mean that you have to completely ignore or force someone away kung yung taong yun has been and still is an important part of yourself,” paliwanag ni Sam.

GOOD FRIENDS. Wala pa bang balikang nagaganap sa kanila ni Jasmine?

Nakangiting sagot ni Sam, “Hindi ko alam, e.

“Maayos naman kasi kami ngayon.

“I think there’s more kasi than putting a label on a relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But as far as we’re concerned, I guess we’re happy and we’re still good friends."

Friends or back together na ba sila ni Jasmine?

“Tinatanong ko nga rin kung bakit people are asking me.

“Pero noong una, tinatanong kami kung nagkabalikan kami. Sabi namin, hindi.

“Kasi parang inevitable kasi na hindi matatanong yung mga ganyang bagay especially na nagtatrabaho kami sa isang show.

“Alam naming mangyayari talaga, matatanong talaga.

"But I don’t think na it’s something na we focused on.

“Basta masaya lang kami.”

Ang tinutukoy na "show" ni Sam ay ang stage play na No Filter 2.0, kung saan sila ang magka-alternate sa isang role.

Ang patuloy ba nilang pag-uusap ang rason kung bakit hindi nagwu-work ang pagkaka-link nina Sam at Jasmine sa iba?

“Hindi ko alam!” natawang sagot ng binata. “Yun nga, we’re happy that things are okay.”

Gusto ba ni Sam na magkaayos na sila ni Jasmine?

“Magkaayos po in what sense? Kasi, maayos naman kami,” tugon ng aktor.

Napagdaanan na nila ni Jasmine ang iba’t ibang isyu. Nag-break na rin sila.

Pero ano kaya ang meron sa kanilang dalawa at tila sila pa rin o okey pa sila ngayon?

Paliwanag ni Sam, “Kasi siguro parang we experienced a lot together.

"We grew as well. So, hindi mo talaga matatanggal yun.

"And you know, this is a person kahit sabihin na you’re apart or magkasama kayo, you’re always concerned sa taong yun.

“You always care for that person.”


CAREER DIRECTION. Nagpapasalamat naman si Sam sa muling pagiging aktibo at hands-on ng mag-asawang Manny at Pie Calayan sa kanilang Calayan Clinic and SurgiCentre.

Sabi niya, “I think, what I’m thankful for is, they chose me.

"Of course, who wouldn’t say yes, right?"

Papunta na ba si Sam sa pagiging sexy performer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Talaga ba? Pero kung mangyari yun, parang icing on the cake na lang.

“Parang bonus na lang.

"Pero siyempre, yung focus ko pa rin yung material ng music na ginagawa ko saka yung mga show.

“Kasi yun din naman ang tatagal, hindi yung hitsura mo.”

Kasalukuyang ginagawa ni Sam ang Your Face Sounds Familiar at mapapanood din siya sa bagong ABS-CBN primetime series na You’re My Home.

Ano ang masasabi ni Sam na sa kabila ng mahigit isang dekada niya sa showbiz ay tuluy-tuloy ang pasok ng mga proyekto sa kanya at hindi pa rin nagbabago ang hitsura niya?

Tugon niya, “Yun nga, parang hindi talaga ako nag-break.

“Kung napanood mo ako noon pa, parang hindi mo alam kung kailan tumanda yung hitsura ko.

“Parang Michael Jackson, parang bigla na lang or si Justin Bieber. Bata siya tapos biglang, hala, anong nangyari sa kanya?

“Siguro ako, marami pa, marami pa akong gustong gawin kahit feeling mo minsan, parang ang tagal ko nang ginagawa.

“Pero ngayon, mas maraming possibility na puwedeng gawin, puwedeng i-try.

“I think that’s the good thing about being 23, a young adult.

“I can try so many things pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN