Solenn Heussaff on Alden Richards's unexpected popularity: “Super deserving siya dahil sobrang hardworking siya.”

Isang taon na mula nang makasama ni Solenn Heussaff si Alden Richards sa GMA series na Ilustrado. Pero malinaw pa raw sa kanyang alaala ang pagiging mabait na katrabaho ng aktor. Kuwento ni Solenn, “Super-mabait siya sa lahat ng mga tao. Kahit sino ka, he treats everyone equally.”


Puro papuri ang binibitawang salita ng mga nakasama ni Alden Richards sa trabaho tungkol sa kanya.

Kabilang na rito si Solenn Heussaff, na nakasama ng Pambansang Bae sa GMA historical drama na Ilustrado.

Sabi ni Solenn tungkol kay Alden, “Actually, super deserving siya dahil sobrang hardworking siya.

“Super-mabait siya sa lahat ng mga tao. Kahit sino ka, he treats everyone equally.

“Tapos, really hardworking talaga siya at ito talaga ang dream niya, so happy ako.”

Nagulat ba siya sa biglaang pagputok ng pangalan ni Alden?

Sagot ni Solenn, “Hindi naman ako nagulat.

"Nagulat lang ako sa story, how it happened so fast.

“Kasi, you think na simple lang yung bagay na... naging sobrang laki, di ba?

"It needs a lot of thinking para to come up with something like that.

“So, happy ako para sa kanilang dalawa. Cute sila.”

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang tambalan nina Alden at Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, ang AlDub.

Phenomenal din ang pagsikat ni Maine, na kalahati ng AlDub tandem ng Eat Bulaga! Kalyeserye.

Fan din ba si Solenn ng Kalyeserye at ng AlDub love team?

Tugon niya, “I watch sometimes lang pero I follow up about it.”

Napanood ba ni Solenn ang “Tamang Panahon” concert ng Eat Bulaga! sa Philippine Arena noong Sabado, October 24?

“Hindi naman, pero nakita ko yung mga posts sa Instagram at sa Twitter.

"I said, ‘Kahit pagdating ng Pope dito, wala masyadong tao. Iba yung crowd nila, ang laki.’

“Trending. Nakita ko yung mensahe ng top executive ng Twitter.

“Super proud ako and I’m happy for them.

"Di ko pa na-meet si Maine."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Solenn sa set ng Marimar sa Teatro Marikina, Marikina City, ngayong Huwebes, October 29.



CAPPUCCINA BLANCHET. Isang taon matapos ang Ilustrado, balik-teleserye na naman ang 30-year-old actress-model-TV host sa Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang karakter ni Solenn ay nagngangalang Cappuccina Blanchet, isang French-Spanish dancer na magiging personality development trainor ni Marimar, na ginagampanan ni Miss World 2013 Megan Young.

Paglalarawan ni Solenn sa kanyang role, “Ako ang magtuturo kay Marimar kung paano siya maging sosyal.

"Tapos, yung mga mannerisms, proper etiquette, how to stand and speak properly.

“Tuturuan ko din siya how to speak French, mag-English.

“Excited naman ako.”

Bakit natagalan bago gumawa muli ng teleserye si Solenn?

Sagot niya, “Kasi hindi ako masyadong ma-teleserye.

"Kasi mahirap sa akin yung dialogues. Okay lang yung puyatan sa akin, [pero hindi] yung lines.

“Kasi pag pelikula, okay lang, kasi maaga dumadating yung scripts.

"Tapos, usually six sequences a day, tapos sa teleserye 30 to 60 sequences.

"So, hindi ko talaga kaya yung Tagalog kapag maraming scenes na ganyan.

“Gusto ko sitcom, like once a week.”

Masaya raw si Solenn sa mainit na pagtanggap sa kanya ng buong cast at production staff ng Marimar.

Sa Biyernes, October 30, na umpisang mapapanood ang karakter ni Solenn sa Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN