Alfred Vargas running unopposed for Congress

Alfred Vargas on being a public servant: "Parang yung hirap, triple o quadruple ng hirap nung nag-aartista pa lang ako. Pero yung fulfilment naman, quadruple din."


Reelectionist si Alfred Vargas sa 2016 bilang House representative ng 5th District ng Quezon City, pero sure winner na siya dahil walang nangahas na lumaban sa kanya.

Kahit panalo na siya, sinabi ni Alfred sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na walang mababago dahil tuloy ang kanyang pangangampanya sa nasasakupan na distrito.

“Tuloy ang pangangampanya. Parang walang nagbago.

“So, tuluy-tuloy ang campaign, kung ano yung ginagawa usually, itutuluy-tuloy ko lang.

“Walang nag-file, e. Ang alam ko meron, yun ang assumption ko.

“Nagulat na lang ako, natapos yung filing of candidacy, wala palang nag-file.

“Ako lang ang nag-signify ng intent to serve.”



NEW KIND OF LEADERSHIP. Nang kumandidato si Alfred noong 2013, apat ang kalaban niya para sa nabanggit na posisyon.

At ngayong unopposed siya, malakas ang pakiramdam niyang babalik na uli ang tiwala ng mga tao sa mga actor-politician.

Saad ni Alfred, “Feeling ko, maibabalik uli ang tiwala ng mga tao sa actors-politicians.

“Sa akin kasi, with or without PDAF, I want to run, I want to serve.

“Yung first term ko as Quezon City councilor, bale yun ang naging pinaka-training ko para maging congressman.

“Tapos noong first term ko as congressman, marami rin akong natutunan.

“Parang kinapa ko lahat and siguro, isa sa pinakamahalagang natutunan ko, kailangan yung leadership mo, consultative.

“Kailangan nakikinig ka sa mga tao.

“Sa tingin ko, iyon ang bagong liderato ngayon. Yun ang hinihingi ng mga tao.

“Dapat pinapakinggan mo, walang mayaman, walang mahirap, hindi puwedeng ikaw lang ang magdesisyon para sa buong bayan.

“Kailangan, nagtatanong ka, kumukonsulta at nakikinig ka at doon mo lang malalaman kung ano ang pinakamagandang solusyon.

“Usually, yun ang napakahalaga na participatory form of leadership.”



FULFILLED. Aminado si Alfred na mahirap ang pagiging public servant, pero iba raw ang klaseng fulfillment na nararamdaman niya rito.

“Parang yung hirap, triple o quadruple ng hirap nung nag-aartista pa lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung fulfilment naman, quadruple din.

“Ever since din naman, sa tingin ko, kaya ako nananalo dahil sa pagtulong ng mga kaibigan kong artista—sina Diana Zubiri, Iza Calzado, Dingdong Dantes, Paolo Contis, Rochelle Pangilinan, Katrina Halili.

“Sobrang supportive nila, tuwang-tuwa ako.”



GUIDED BY PARENTS. Malaking bagay rin daw ang tamang paggabay sa kanya ng mga magulang niya noong nabubuhay pa ang mga ito.

Lahad ni Alfred, “Noong Friday na yun, nung malaman namin na tapos na yung filing, noong gabing yun, nagpunta ako sa puntod ng mother ko, nag-thank you ako.

“Noong araw na nag-file ako, nagpunta ako sa dad ko.

“Parang naisip ko na ngayong wala na akong magulang, parang kahit wala na sila dito physically, puwede mo silang puntahan at hingan mo sila ng advice at iga-guide ka ng mga magulang mo kahit nasaan ka.

“They may not be here physically anymore, pero yung natutunan ko, yung nararamdaman ko, may force na deep inside na directing you to the right direction.

“So, nung wala akong kalaban, punta agad ako sa kanila.

“Tapos ngayon, kagagaling ko lang sa dad ko, kaninang umaga sa Bulacan. Doon siya nakalibing.

“Nagpasalamat ako, lahat naman ng ito na career ko sa public service, ang inspirasyon ko mga magulang ko.

“Sana kapag dumating yung araw, masasabi ko na proud talaga sila sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN