Alden Richards on showbiz titles: “It’s not the title but what kind of person you are that counts.”

Alden Richards still overwhelmed by his popularity: "Nakakakilabot po siya. Kahit ako po, the management, family ko po, hindi makapaniwala na nangyayari na sa amin ‘to. So, basta tuluy-tuloy lang po ang pagpapakababa kasi, the more po na inaangat po kayo ng mga tao, all the more na dapat yung paa mo, nasa lupa."


Walang duda ang sobrang kasikatan ngayon ng Kapuso actor/TV host/recording artist na si Alden Richards.

Pero ang tanong: Sanay na ba siya sa lahat ng nangyayaring ito sa kanya o nao-overwhelm pa rin siya?

“Hindi nawawala... at overwhelmed,” pag-amin ni Alden.

“Parang I prayed for this moment, sa career ko po, ipinagdasal ko siya na dumating.

“Pero hindi ko naman po in-expect na it would happen this fast.

“So, every day, every day na maghu-host ako sa Eat Bulaga, yung mga tao, I still get overwhelmed.

“And ito po, sa dami ng press and media, nao-overwhelm po ako.

“Dati rin naman, nagpi-presscon din ako, isang table lang.

“Pero ngayon, wow, ang dami niyo, uy!” natawang sabi niya.

Dagdag ni Alden, “Pero on top of it, I’m happy and blessed with the love that I’m getting from all of you.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Alden sa launching niya bilang bagong endorser ng Snow Caps L-Glutathione Capsule, na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

Maliban sa press ay napuno ang loob ng Plaza Ibarra ng iba pang mga tao na konektado sa kumpanyang iniendorso ni Alden.

HOTTEST MALE STAR. Ano ang eksaktong nararamdaman ni Alden kapag tinatawag siyang “hottest male star” at ang tambalan nila ni Maine Mendoza ang “most popular love team” ngayon sa Pilipinas?

Sagot ng 23-year-old Kapuso star, “Yung overwhelmed at saka hindi po talaga mag-sink in.

“Yung mga titles naman po, mahilig po kasi ang industry natin sa title.

“Mga King of ganyan, Prince of ganyan… pero title lang po yun.

“At the end of the day, paano mo ba made-defend yung ibinabansag sa ‘yo ng tao?

“How would you be as a person at the end of the day? That’s what counts po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not the title but what kind of person you are, at the end of the day, that counts.”

Ano ang nararamdaman niya na umaapaw ang mga tao sa mga mall o iba pang mga lugar na pinupuntahan niya for personal appearances?

Nararamdaman ba niya ang pagiging “hottest male star” niya ngayon?

Sagot ni Alden, “Opo, masaya po… nakakakilabot po siya.

“Kahit ako po, the management, family ko po, hindi makapaniwala na nangyayari na sa amin ‘to.

“So, basta tuluy-tuloy lang po ang pagpapakababa kasi, the more po na inaangat po kayo ng mga tao, all the more na dapat yung paa mo, nasa lupa.”

MORE BLESSINGS. Tuluy-tuloy nga ang pagdating ng blessings para kay Alden.

Ang Snow Caps L-Glutathione Capsule ang ika-walong endorsement ni Alden ngayong taon; at pang-anim sa loob lamang ng tatlong buwan mula nang pumatok sa publiko ang tambalan nila ni Maine a.k.a. Yaya Dub—ang AlDub.

Maliban dito, balitang hindi bababa sa 15 ang naghihintay pang endorsements para sa kanya at kay Maine.

Tila nahihiya namang reaksiyon ni Alden tungkol dito, “Ay, grabe po, hindi ko po alam!

“Nasa management po. Ako po kasi, nalalaman ko lang po ang endorsements kapag na-close na po ang deal.

“And, of course, ang management naman po, they asked me if I want to endorse this product.

“With due respect din po sa [GMA] Artist Center, they asked me if I want to endorse.”

At dahil ang Snow Caps L-Glutathione Capsule ay isang dietary supplement na pampaputi ng kutis, may ilang nagtataka kung ginagamit ba niya ito talaga bilang kilala na nga siya as “Tisoy” o likas nang maputi.

Pahayag ni Alden, “Actually, ngayon pa lang po ako gumagamit, when I learned about Snow Caps.

“Before po kasi, mga multivitamins ang iniinom ko.

“At least ngayon po, meron nang pandagdag sa mga iniinom ko to boost my immune system.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi lang naman siya whitening talaga. Ang glutathione is really an antioxidant.

“Yung whitening is the good side of it. So, nakatulong lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN