Is Louise delos Reyes afraid of AlDub's overprotective fans?

Louise delos Reyes admits she's very cautious about posting her old pics with good friend Alden Richards on Instagram: “Minsan gusto kong mag-try na mag-post ng photo namin together. Pero iniisip ko na baka may mag-comment na naman na ikakagulat ko. Hindi naman ako natatakot. Pero siyempre ayoko naman maging issue pa iyon.”


Inamin ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes na nami-miss na niyang katrabaho ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Si Alden kasi ang unang naka-love team niya sa pinagbidahan niyang teleserye noong 2010 na Alakdana.

Nasundan pa ito ng mga teleseryeng My Beloved, One True Love, at Mundo Mo’y Akin.

Sa pelikula ay nagtambal sila sa Tween Academy: Class of 2012.

Huling nagkita sina Louise at Alden sa Eat Bulaga noong sumali ang aktres sa contest na “Bulaga Pa More.”

“Noong pumunta ng Japan si Alden, nagkakausap naman kami through Viber.

“May communication pa rin naman kami kahit papaano.

“Sa debut ni Bea Binene, kung makakarating si Alden, doon na ulit kami magkikita.

“Very proud ako sa mga achievements niya ngayon.

“Deserve naman niya iyon lahat,” pahayag pa ni Louise nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng My Faithful Husband last October 28 sa Dasminarinas, Cavite.

PROUD OF ALDEN. Inalala ni Louise ang pagiging makulit ni Alden noong magkasama pa sila sa tapings noon.

Ayon kay Louise, “Napakakulit niyang si Alden.

“Sa lahat ng mga tao sa set, siya ang bumabangka at siya yung maingay.

“Pero makikita mo talaga sa kanya na mahal niya ang mga tao sa paligid niya.

“Kaya itong mga nangyayari sa kanya ngayon, patunay lang na yung pagmamahal niya sa marami ay naibabalik sa kanya.”

Biniro namin si Louise kung nakakapag-post pa ba siya ng photo nila ni Alden na magkasama sila sa kanyang mga social media accounts?

AFRAID OF ALDUB FANS? Kung matatandaan ay may nag-comment na isang fan sa pinost na photo ni Louise kasama si Alden sa Instagram na, "Stay away. Hindi ka ba natatakot sa AlDub Nation?"

Kuwento niya, “Minsan gusto kong mag-try na mag-post ng photo namin together.

“Pero iniisip ko na baka may mag-comment na naman na ikakagulat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman ako natatakot. Pero siyempre ayoko naman maging issue pa iyon.

“Minsan may mga natanggap akong mga notifications. Mga comments sa isang photo on IG.

“Nung tingnan ko, photo pala namin ni Alden taken 51 weeks ago pa. At sa Sunday All Stars pa yun.

“May mga tanong kung kelan yun nakunan? Mga ganun lang.

“Yung ibang fans kasi medyo disturbing—very overprotective sila.

“Naiintindihan ko naman sila kasi may mga ganyan akong mga fans din.”

Sa tingin ba ni Louise ay kailangan pa niyang magpaalam sa AlDub Nation bago siya mag-post ng photo nila ni Alden na magkasama?

“Kung tutuusin naman, hindi na kailangan.

“Unang-una, matagal na kaming magkaibigan ni Alden.

“Pero like what I said, hindi ko na lang siguro gagawin muna para hindi maging issue sa kanila,” diin pa niya.

WISHES TO MEET YAYA DUB. Gusto rin naman daw ma-meet ni Louise in person ang bagong ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub.

“Yes, gusto ko siyang ma-meet personally.

“Noong mag-'Bulaga Pa More' ako, wala pa siya noon sa studio. Two weeks after, doon siya nilagay.

“Kapag nag-meet kami accidentally, hindi puwedeng wala akong selfie na kasama siya.

“Magpapabebe wave pa ako na kasama si Yaya Dub!

“Sa totoo lang, sila ni Alden, they look good together.

“Kahit na hindi ko masyadong nasubaybayan ang Kalyeserye dahil sa work, nasusundan ko naman siya sa Twitter.

“Parati siyang trending worldwide, e. Kaya masaya ako para sa kanilang dalawa,” ngiti pa ni Louise.’

PERSONAL BLOG. Sa personal life naman ni Louise, inamin nito na may suitors siya ngayon, pero wala raw siya munang seryosong ini-entertain dahil mas nakatutok siya sa kanyang mga trabaho at negosyo.

Patuloy pa niya, “Aside from My Faithful Husband, nag-start na rin akong mag-blog.

“It’s a lifestyle, travel, and DIY [do it yourself] blog. Naisip ko siyang gawin noong time na wala akong trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng mga naiiisip kong ideas doon ko nilagay.

“Gusto ko namang makita ng iba na may alam pala akong gawin na iba aside sa pagiging artista ko.

“Kaya wala munang lovelife. Inspiration na lang muna.

ON EXES ENZO AND ALJUR. Nang tanungin namin si Louise tungkol sa ex-boyfriend niyang si Enzo Pineda, inamin niyang matagal na raw niyang hindi ito nakikita.

Aniya, “Yung last time na nakita ko siya ay noong Sunday All Stars pa.

“Wala na kaming communication kasi nag-iba na ako ng number.

“My phone kasi got stolen kaya bago na ang number ko at nawala na yung ibang contact numbers.”

E, si Aljur Abrenica? Nagkaroon na ba ng closure sa kanilang dalawa?

Sabi pa niya, “Okey naman kami ni Aljur.

“Last kami nagkita ay noong party ng isang ini-endorse namin before.

“Hindi mo naman kayang bitbitin ang ganoong kabigat na sitwasyon forever. So you have to let go.

“Kung yun ang magru-rule sa isip mo, wala nang bagong maganda na papasok.”

OVERFATIGUE. Halos isang linggo palang naospital si Louise kailan lang dahil sa overfatigue.

Dahil dito ay hindi siya napanood sa ilang episodes ng My Faithful Husband.

Kuwento niya, “Nasobrahan lang ako ng pagod.

“Kasi itong mga recent episodes namin, puro mabibigat.

“Tapos, bukod sa napupuyat kaming lahat sa set, ako pa ang nagda-drive ng kotse ko.

“Sinabayan ko pa ng diet at pagpunta sa gym, kaya hindi na kinaya ng katawan ko. “

Napabuti nga raw ang pagkakaospital ni Louise dahil malaki na ang ipinayat niya.

“I lost a lot of weight. Bumabalik na yung dati kong figure noong ginagawa ko yung Kambal Sirena.

“Tumaba talaga ako kaya naging conscious na ako sa mga pagkain ko.

“Kaya heto, effective naman ang ginawa kong diet at exercise.

“Ayoko nang tumaba pa ulit,” sabay tawa pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN