Marian Rivera shows off her baby bump in all its glory on Esquire

Marian Rivera on being a first-time mother: "Ito talaga ang dream ko, ang maging mom. At alam kong ibang ligaya ang maibibigay ko sa asawa ko kapag nagkaanak kami. Dahil si Dingdong, lahat ng pagmamahal at pag-aalaga, ginagawa niya sa akin. Kaya lahat din, gagawin ko para magkaroon kami ng happy family at soon, magiging big."


Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang nasa cover ng November 2015 issue ng Esquire Magazine.

Kakaiba ang cover pictorial na ito ni Marian sa mga dati niyang magazine covers dahil dito ay pumayag siyang ipakita ang kanyang baby bump.

Nakatakdang manganak si Marian sa una nilang anak ni Dingdong Dantes ngayong second week ng November.

Marami ang humahanga kay Marian dahil halos walang nabago sa kanyang pisikal na anyo at kutis kahit na malapit na siyang manganak.

Kahit si Marian, sinasabing hindi niya naranasang umitim ang kili-kili o ilang bahagi ng katawan niya, na normal lang naman sa isang babaeng nagbubuntis.

Wala rin siyang stretch marks on guhit sa tiyan.

Sa palitan ng text messages, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung paano siya napapayag na mag-pose na kita ang kanyang baby bump para sa Esquire.

Sagot niya, “Proud mom-to-be.

“At ito talaga ang dream ko, ang maging mom.

“At alam kong ibang ligaya ang maibibigay ko sa asawa ko kapag nagkaanak kami.

"Dahil si Dingdong, lahat ng pagmamahal at pag-aalaga, ginagawa niya sa akin.

"Kaya lahat din, gagawin ko para magkaroon kami ng happy family at soon, magiging big."

Pangarap at gusto raw nilang talaga ni Dingdong na magkaroon ng maraming anak.

“Hoping for more and more kids!” sambit ni Marian.

Maraming kababaihan ang nai-inspire dahil sa pagbubuntis ni Marian na glamorosa pa rin.

Sabi ng aktres tungkol dito, “Yun naman talaga ang buhay, ang maging masaya at maging inspiration lalo na sa mga babae.”

Full-term na si Marian at kahit anong oras araw ay puwede na niyang isilang ang panganay na anak na si Maria Letizia Gracia Dantes.

Napaghandaan na rin daw nila lahat kapag dumating na ang araw ng paglabas ni Maria Letizia.

Um-attend din sila ni Dingdong ng Lamaze classes at breastfeeding seminar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pakiramdam na malapit na nilang makita at mahawakan ang kanilang anak?

Sagot ni Marian sa text: “Soooobraaaaang excited na kami at magiging forever thankful dahil pinagkalooban kami ng anak.

“Yun ang totoong buhay at ligaya lalo na ng mag-asawa.”

Ipinagdarasal ni Marian na maging normal ang delivery niya.

Mababasa naman sa kanyang Instagram account na halos lahat ng followers niya ay excited na rin sa nalalapit niyang pagsilang kay Baby Letizia at ipinagdarasal din ang kanyang safe at normal delivery.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN