Kris Aquino wants to keep friendship with Nadine Lustre private

Kris Aquino protects friendship with Nadine Lustre by keeping it private.


Inilarawan ni Kris Aquino ang pagkakaibigan nila ni Nadine Lustre bilang “private” at consistent daw ang kanilang komunikasyon.

Nitong Linggo, October 31, nag-post si Kris sa Instagram ng isang quote at sa caption nito, sinabi ng Queen of All Media na balik-trabaho na siya matapos ng maiksing bakasyon sa ibang bansa.

Sa comments section, hiniling ng isang fan na batiin ng Kapamilya TV host-actress si Nadine, na nagdiwang ng kanyang ika-22 kaarawan kahapon.

Sinagot ni Kris ang nasabing follower at dito ay inilarawan niya ang pagkakaibigan nila ng young actress.

Sinabi pa ni Kris na bukod sa gusto niya si Nadine, nais niyang maging pribado ang pagkakaibigan nila ng bida ng primetime teleseryeng On The Wings Of Love.

Ayaw raw kasi niyang mahaluan ng “negativity” ang pagkakaibigan nila kung sakaling masangkot ang ibang tao.

Ka-love team ni Nadine si James Reid.

Paglalarawan pa ni Kris kay Nadine: "She’s honest, open, charming, and such a joy to know."

Samantala, kasalukuyang nagbabakasyon sa South Korea si Nadine para sa kanyang kaarawan.

Kasama ng aktres si Yassi Pressman at ilang non-showbiz friends.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN