Chokoleit on being a responsible netizen: “Sanitized na ako ngayon. Pero siyempre, may naughtiness pa rin.”

Chokoleit on how he handles social media: "Pero ngayon, careful ka na. Kumbaga, nakaka-teen star ang image. Kailangan munang may consultation. Puwede ko ba itong ilabas? Meron na akong responsibility sa mga viewers. Kumbaga, may saysay.”


Nakikita raw ng komedyante na si Chokoleit na uso na talaga ang social media.

Kaya nagsimula na siyang gumawa ng paraan para maging “in” sa digital world.

Bukod sa Star Magic na nagma-manage ng kanyang showbiz career, pumirma rin si Chokoleit sa Buzz Productions.

Ang digital production outfit na ito ay nagki-cater sa iba’t ibang media needs, events, video productions, at in-house talent management.

Pinamamahalaan ito ng writer-director na si Noel Escondo, backed up by Jed Marcaida's Digital Marketer Jump Digital Asia.

Iba raw ang kontrata ni Chokoleit sa Star Magic management at sa Buzz Productions.

Tinutulungan ng Buzz Productions si Chokoleit na maging mas responsible sa lahat ng online works niya.

Ayon kay Chokoleit, ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang kunin ang Buzz Productions na manager niya.

“Dahil sa digital lang din. Nagkataon lang na naging friends kami ni Jed at saka ni Noel.

“Nalaman ko na they’re into it. Kaya sabi ko, this is it.”

Masipag si Chokoleit mag-tweet noon pa man.

“Oo, kaya lang ngayon, may saysay na!” natawang pag-amin niya.

THEN AND NOW. Aminado ba si Chokoleit na walang saysay ang mga ipinu-post niya dati?

“Minsan, oo. Kung anu-anong kagagahan ang pinu-post ko.

“Pero ngayon, careful ka na.

"Kumbaga, nakaka-teen star ang image. Kailangan munang may consultation, 'Puwede ko ba itong ilabas?'

“Meron na akong responsibility sa mga viewers. Kumbaga, may saysay,” sabi niya.

Patuloy ni Chokoleit, “E, kaya nga ako nademanda dati, di ba?

“Pero that’s already water under the bridge.

“Pero yun nga, hindi porke’t bading, babaklain.

"Ngayon, mas may content, socially relevant."

Ang tinukoy ni Chokoleit na insidente na umabot sa demandahan ay ang naging kaso nila ng batikang entertainment columnist-TV host na si Cristy Fermin noong 2010.

Read: PEP EXCLUSIVE Chokoleit on Cristy Fermin: "I'm just giving her the dose of her own medicine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Pero nagkaayos na raw sila at inamin ni Chokoleit na siya ang may kasalanan.

LEARNING TO BE TACTFUL. Marami rin daw siyang natutunan sa pangyayaring iyon.

Aniya, “You should be tactful. You should think before you click.

"Had it happened right now, with my kind of thinking, hindi ko gagawin yun.

"Kung puwede lang talagang i-delete yung chapter na yun, hindi ko gagawin [yon].

“Kasi, that was the time na depress ako. Kamamatay lang ni Mama.

“Depressing sa akin yung panahon na yun. Hindi ko inisip yung repercussion of my actions.”

Aminado si Chokoleit na pinapatulan niya ang bashers at haters niya noon.

“Dati talaga, pumapatol.com ako. Patol.com ako.

"Pero siyempre, nag-mature [na ako].

“It goes with age rin, e.

"Ngayon, kumbaga, ang iniisip ko, bawat post ko sa Instagram or Facebook, it gives an impression of what kind of person you are.

“E, ngayon, kapag may bashers, delete, blocked.”

Baka naman hanapin ng followers niya yung Chokoleit na "pumapatol.com"?

Tugon niya, “Puwede pa rin naman, pero iba na.

"Wala na rin yung mga post na nakahubad.

“Napagalitan ako ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head]. Si Mr. M ang nagsumbong.

"Kagagahan ko yun, nakarating kay Mr. M.

“Kung makita niyo, wala na ngayon.

“Sanitized na ako ngayon. Pero siyempre, may naughtiness pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN